tonite-pak-allan-dionesNatawa kami sa reaksyon ng isang singer-actor (SA1) sa kontrobersyang sangkot ang isa pang singer-actor (SA2).

Magkaibigan sina SA1 at SA2, pero medyo natawa kami sa dayalog sa amin ni SA1 na, “Hindi ko kaya! Hindi ko talaga kaya!” patungkol sa hindi kagandahang isyu na involved si SA2.

Napanood ni SA1 ang kontrobersyang kinasangkutan ng kaibigan niyang si SA2 at hindi niya mawari kung bakit nito nagawa ang gano’n.
Parang si SA1 ang hiyang-hiya para sa friend niyang si SA2.

Hirit namin kay SA1, hindi naman kami na-impress sa napanood namin dahil hindi naman pala ganu’n kabongga ang itinatago ni SA2.
Kung pagbabasehan kasi ang mga sabi-sabi ay ‘le­gendary’ ang itinatago ni SA2, pero pinatunayan ng nasabing kontrobersiya na hindi naman pala totoo ang tsismis, kaya marami sa mga nakapanood ang nadismaya.

Kantiyaw namin kay SA1, baka kung siya pa ang ma-involve sa katulad na isyu ng kay SA2 ay ma-impress kami nang bongga dahil balitang meron siyang maipagmamalaki.

“In fairness!” pilyong sagot ni SA1, sabay halakhak.

‘Yun na! PAK!!
***
Vice kinilabutan kay Miss Spain

Nagbunga lahat ng efforts at pagtitiyaga ni Catriona Gray, na kinoronahang pinakamagandang babae sa buong universe nu’ng Lunes.

Nag-work sa advantage ni Cat na siya ang pinaka-prepared na kandidata natin sa Miss Universe bilang minsan na rin siyang lumaban sa Miss World kung saan pumasok siya sa Top 5.

Ang daming pinauso ng 24-anyos na Fil-Aussie beauty na sobrang tumatak sa mga pageant-crazy netizen hindi lang sa ‘Pinas kundi maging sa mga taga-ibang bansa.

Ginagaya ng marami ang kanyang slow-mo turn, pati ‘yung lakad niya at pag-smile sa kamera. In demand fashion accessory ngayon ang pinauso niyang ear cuff na may three stars at three rays ng sun.

Ang daming nag-spoof sa giant parol paandar niya sa National Costume with matching native dance, ginagaya ang sagot niya sa final question na binanggit niya ang ‘Tondo’ at ‘silver lining’, tapos ay sobrang patok ang fiery red evening gown niya na inspired ng nagbabagang lava mula sa pumuputok na Mayon Volcano.

Saktong nasa gitna si Cat nang tawagin ang Top 5 kaya lalong nag-standout ang kanyang pulang gown at nagmukhang backup dancers niya sina Miss South Africa, Venezuela, Puerto Rico at Vietnam na panay silver ang kulay ng suot.

Tiyak na magiging in demand ang Kapampangan designer na si Mak Tumang na gumawa ng mga gown ni Catriona, na hindi lang gandara kundi may kuwento at may cultural significance pa.

Bukod kay Miss Philippines, ang isa pang ‘winner’ sa katatapos na Miss U pageant ay si Miss Spain Angela Ponce na pinakaunang transgender woman na nag-compete dito.

Hindi man pumasok sa Top 20 si Angela, binigyan siya ng sarili niyang moment sa finals na solo siyang naglakad sa runway at binigyang halaga ng pageant ang nagawa niyang ‘yon towards equality.

Actually, kung naging super ganda at matalino lang daw sana si Angela ay may chance ito sa korona, kaya lang ay kulang daw talaga, so hindi nito ganap na naitayo ang bandera ng LGBTQ+ sa Miss U.

Si Vice Ganda ay nag-tweet na kinilabutan siya sa recognition na ibinigay kay Miss Spain, habang si Paolo Ballesteros ay plakadong-plakado ang panggagaya sa kandidata na tinawag niyang Angela Onthe.