Singer-actor, OROCAN! TUPPERWARE!

SINGER-ACTOR na inakala nating matulu­ngin, PLASTIK!

Kung paramihan ng hit songs, marami siya niyan.

Pelikula, TV shows, concert here and abroad, marami rin.

May image din siyang matulungin. Kahit saan maimbitahan, basta puwede siya, GO nang GO!

Go for gold!

Maraming nagmamahal sa kanya. Kaya ang sabi ng balana, sana eh ganyan ang ugali ng ibang artista.

Pero ano itong nabalitaan ko?

Sa isang malaking event, present ang bida natin na nakapag- rehearse na at ready anytime para mag-perform.

May isang alalay na bading ang nasa lobby at nakita ng singer-actor.

Tinanong ni singer-actor ang alalay kung sino hinihintay nito.

Agad sinabi ng alalay na si sexy star ang inaabangan niya.

Chinika-chika ni singer­-actor ang mga nakaupo roon. Magiliw siyang nakipagbiruan, lalo na kay alalay.

Eto na… umeksena ang mayabang na security guard.

Pinalabas ang lahat ng nakaupo, pati si alalay na sinabing pinauna na siya roon ng amo niya.

Wah keber ang sekyu. Itinulak pa rin ang alalay palabas.

Itinuro ng alalay si singer-actor at siney, “Kilala niya po ako! Di ba, kuya?”

Paulit-ulit ang hirit ng alalay na nag-akalang tutulungan siya ni singer-actor.

Tumalikod si singer-actor at hinayaang palabasin ng guard ang alalay.

Pumalahaw ng iyak si alalay sabay sigaw, “Plastik ka! PLASTIK!!!!!!”

Ganti ni Ysabel

Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

SIMULA na ng paghihiganti ni Ysabel (Yasmien Kurdi) sa panghapong teleserye ng GMA 7 na Sa Piling ni Nanay.

Pahihirapan ni Ysabel ang hitad na si Scarlet (Katrina Halili).

Torture!

Magpa-panic si Scarlet sa ‘multo’ ni Ysabel.

Hindi na ba kilala ni Scarlet si Ysabel?

Halos napapraning na si Scarlet.

Hanggang saan ang ganti ni Ysabel?

Hindi kaya sa huli ay siya ang higit na masaktan?