Singer-actress balasubas sa komedyana

Grabe naman itong isang singer-actress, hindi pa umano binabayaran ang utang niyang 100k sa isang komedyana.

Hiniram niya ito tatlong taon na ang nakakaran. Ayon sa aming source, tuwing tini-text daw ng komedyana ang singer-actress para singilin na sa kanyang utang ay no reply daw ito. Deadma ito sa kanyang text.

Nung nangungutang daw ito ay panay ang text sa komedyana . Kahit tatlong oras itong nanghintay sa bahay ng komedyana para kunin ang pera ay nagtiyaga ito

Pero pagdating sa bayaran ay talaga raw hindi niya na ito pinapansin.
Naawa lang daw si komed-yana sa singer-actress dahil walang-wala raw talaga ito noon.

Wala raw kasi itong project kaya pinautang niya.
Pero ngayon daw na may TV show na ang singer- actress at dalawa pa deadma pa rin.

Kaya na raw nitong magbayad pero balasubas pa rin.
Sino si singer- actress? Nagsimula siya bilang isang child actress. (Rommel Placente)