Ano kaya ang dahilan kung bakit umayaw na sa showbiz ang isang singer-actress?Sa totoo lang, may mga offer sa kanya sa teleserye, maging sa mga concert sa malalaking concert venue.
Kung anuman ang dahilan ng kanyang pag-ayaw, ‘yan ang pilit na inaalam ngayon ng mga reporter.Basta sa pagkakatanda nila, mula nang pumiyok ito sa isang awards night ka-duet niya ang isang Pinay international concert performer ay napansin nilang doon na nagsimulang tumamlay ang career ni singer-actress.
Hindi na talaga tumatanggap ng kahit na anong klaseng offer.Mas pinili niyang maging show producer kesa maging performer sa concert.
Pagdating sa boses, since matagal nang hindi naririnig ang kanyang tinig, hindi malalaman kung maganda pa rin ito o tuloy-tuloy na itong tsumaka.
Hindi na ba kayang sumabay sa mga millennial ang boses niya?Pero sa totoo lang, napakasuwerte ng singer-actress na ito dahil naging dyowa pala niya ang isang guwapong aktor. Isa siya sa mga babaeng talagang minahal ni aktor.Sino siya? Maganda pa rin siya at hindi tumaba. Kapangalan niya ang isang produktong hindi na nabibili ngayon.
Timmy Basil