Siya na siguro ang biniyayaan ng talent, kaya kahit paano ay nakilala siya.
Pero ang millennials, wiz siya knowing.
Lumevel ang galing niya sa acting, singing & hosting sa mga diva at diva-divahan.
May jowa na rin siya na in fairview, pogilicious! Tsalap-tsalap! Kaya inggit much ang mga divakla at malalantod na bilat.
Dahil doon, napag-isipan niya na dapat ma-maintain ang ganda ng kanyang kutis, body & fezlak.
Nag-try siyang mag-zumba pero parang walang nangyayari at puro pawis lang siya.
Kinausap niya ang kanyang gay friends kung ano pa ang dapat niyang gawin para hindi siya iwanan ng jowa niyang dako. Uunahin niya ang kanyang fez na lumalapad. Gusto niyang ipatapyas.
Then ang mga tigyawat, ipapapisa niya. Next, ang hair niya na buhaghag at may split ends, nagtanung-tanong siya kung sinu-sino ang mga hair expert.
‘Di pa natatapos doon. Feel niyang pumuti with smooth skin & slender body. Tanung-tanong again si ate.
Ang daming name ang naibigay sa kanya at inisa-isa niyang kontakin ang mga ito.
Lahat ay nag-decline na tulungan siya dahil ang gusto niya ay LIBRE at pasasalamatan lang sa social media.
Nang tiningnan ang social media accounts niya eh kokonti lang ang followers niya.
Meron ba siyang teleserye o kahit anong upcoming show?
Waley!
Up to now, naghahanap pa rin siya ng makakatulong sa kanya. May kilala ba kayo?