Singer at aktres, umaatikabo ang karatan sa hotel

SWAK sa isa’t isa ang singer-actor at actress na nagpakaligaya sa init ng magdamag.
Si singer-actor ay sikat na sikat noon dahil pogilicious na, magaling pang kumanta.

Nagpa-sexy siya sa pelikula at katakam-takam ang Felix Bakat sa skimpy swimwear.
Si actress na comedienne ay nagpulitika.

Nakilala siya kahit paano dahil nakasama siya sa isang sitcom na tumagal sa ere.
Na-lost in space ang kanilang career nang matagal. Huwag n’yo nang itanong kung bakit. (Ding! Ang bato!)

Nag-cruz ang kanilang landas nang panahon na pareho silang lungkut-lungkutan at Zero Wena ang lovelife.

Bagulat ang madlang people sa isang event nang makita silang magkahawak-kamay (pasok, Yeng Constantino)!

Pagkatamis-tamis ng kanilang ngiti, at hindi maitatanggi ang pagtatangi nila sa isa’t isa.
Sila na!

To cut the story short, na-invite si kuya para kumanta sa isang show.
Siyempre, ka-join si actress na feeling immaculate virgin sa sobrang hinhin.

Natapos ang show. Enter na sa hotel room sina kuya at ate. Hala! Sige! Halikan! Yakapan!
Hagikhikan! Habulan! With matching pagulung-gulong sa umaatikabong karatan!

Wala silang keber kung tumitilapon man ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Para bang may War of the Roses!

Tsurang sumisirku-sirko at tumatalun-talon sila, nagka-karate at may flying kick pa kaya nasipa ni ate ang TV.

Basag!
Opo, nabasag ang TV.
Dahil sa tindi ng lagabog eh itinawag yata sila ng kapit-kuwarto sa reception.

Kaya may dumating na mga taga-hotel upang alamin kung bakit. Nagulat ang nag-check sa mga kalat sa kuwarto.
At na-sight nila ang kaawa-awang TV.

Siyempre, kailangang bayaran ang mga nasira.
Sino pa ba ang sisingilin kundi ang producer ng show ni singer-actor?
Kasama sa bill ang damages!

Nainis ang producer na nag-settle ng bills sa hotel.
PERO… ibinawas sa TF (talent fee) ni singer-actor ang bayad sa nawasak na TV at iba pa.

Pumayag si singer-actor.
Kinabukasan, pag-uwi… ang emote ng singer-actor at aktres … wala lang.

Taas-noo sila.
Dedma sa mga utaw.