Singer-dancer, nawalan ng oras para maligo

NANGGULAT ang singer/dancer/comedienne nang siya ay biglang sumulpot sa showbiz.
Cynthia?! Cinex Films? Da Who?!

Para siyang luka-luka na ang peg ay lumang Xmas tree na hinalukay sa baul ni Pura Kikinang.

Pero dahil malakas ang da­ting at may angking galing plus anting-anting, back-to-back-to-back ang guestings niya sa TV shows, concert here & abroad, movies at albums.

Ang lucrezia borgia, nanlalaki nang nanlalaki.
Inuubos ang datung sa mga menthol!

Kaya sa mga show niya, ngarag na ngarag ang hitad. Madalas, late.

One day, isang araw sa kanyang TV guesting, pupungas-pungas ang potah.

Halatang walang ligo.
Make-up-an time na… aba! Ayaw dumikit ang yayamaning foundation sa face ni ate!
Naglalangis ang kanyang mukha!

Ang hair naman, buhaghag at naninikit!
Blinower ang buhok…. Aba! Aba! Aba! May amoy na kakaiba!

Hanggang lumabas na ang mga kuto at lisa!

Ano pa ba ang gagawin ng dalawang be­king make-up artist kundi imasaker ang mga alagang kyuto & lyza ni ate!

Si ate… dedma sa nagaganap na patayan!

Tulog pala si ate!

Kumakayat pa ang laway!

***

Ang stage actor/host na ito ay madasalin.
Bata pa lang siya nang sumabak sa mga stage play.

From chorus boy, nagtiyaga siya hanggang u­mabot sa lead role.
Narating niya ang rurok ng tagumpay.

Nagkasunud-sunod ang projects niya. Pati pelikula, napasok niya.

Kasabay nu’n ang hosting sa TV. Napasali siya sa teleserye. Ang inaasam-asam niya na musical play, napasakamay niya rin.

Sing galore si kuya. Back-to-back-to-back ang mga raket niya here, there and everywhere.
Mataas ang boses niya na pam-Broadway na may pag-emote-emote pa.

Dala-dala niya ito sa mga lugar na pwede siyang kumanta nang walang humpay.
Gaya sa isang yayamaning lugar. Pang-alta sociedad lang. Laging present doon si kuya.

Every weekend, puno ng utaw ang bar. Lahat, jinom kung jinom. Umaatikabong chikahan. Dance to the max.

Iyun ang ambiance na gusto ni kuya. Umiikot ang mga mata niya. Sipat dito, sipat doon. Naghahanap…

Natuon ang kanyang pansin sa isang poging afam na waley na sa sarili. Nag-CR ang poging afam.

Sumunod si kuya.

At ‘yun na…. lumuhod si kuya sa afam na parang walang lakas upang itulak siya.

Puro sound effects at ungol ang naririnig.

Hanggang sa dalawang beki ang nakapasok sa CR at nainggit dahil ang galing-ga­ling ni stage actor na mag-sing sa mic ng pogilicious afam.

Nahimasmasan si afam at nataranta.

Biglang itinulak ni afam ang sing-galing na aktor at nagmamadaling lumabas.
Tulaley ang dalawang beki.

Ang sing-galing na actor, tumikwas lang ang kaliwang kilay sabay irap.