LAST week lang, pauwi na ako galing sa taping, huminto muna kami sa gasoline station para magpagas at mag-CR.

Biglang tinawag ang name ko ng isang babae. Nasabi ko lang, “Kilala kita?”

Siya na ang nagpakilala na dati siyang fan na naging alalay ng isang singer/host/actress.
Matagal na siyang umalis sa bahay ni singer.

Hindi kasi niya masikmura ang pagmumura nito sa parents at dalawang kapatid.
Napakasakit, Laharni Marawi vda. de Manchester!

Walang pakundangan ang hitad kung pagsalitaan ang dugo ng kanyang dugo, laman ng kanyang laman!

Kapag dumarating ito galing sa show o ta­ping, nagtatago na ang mga kapamilya niya sa kwarto.

Bubungangaan na naman kasi sila nito.

RAT-TA-TAT-TA-TAT!

Ilang buwan lang, umalis na sila sa pamamahay ni singer na walang tumatagal na katulong.
Akala kasi nila eh nagvo-vocalisation lang si singer para bonggacious ang boses at sigaw nang sigaw in preparation para sa serye niya.

‘Yun pala, patama na sa kanilang lahat ang talakitok!

Doon sila nag-decide ng sabay-sabay layasan ang demonyita.

Hindi pa sila nakakalayo, tumili ang hitad na baka may pinitik silang datung o alahas nito.

Sabi ng kausap ko, konti lang ang trulili sa mga alahas ni singer. Karamihan sa mga alahas eh fake at nangingi­tim na.

Nag-rent ng bahay ang pamilya ni singer.

Naging OK naman dahil may isa silang kamag-anak sa Japan na tinulungan sila.

Nagkasakit ang mudrabels pero waaaah help si singer. Dedma siya sa nangyari sa ina.
Halos isumpa si singer.

Nagtataka ang pamilya, bakit hindi ‘yung jowa nito ang talakan ni singer eh patabaing baboy lang ito at walang trabaho.

Ang pa­milya, nag-aabot ng panggastos.

Si alalay ay may tindahan na at kumikita na ‘yon nang maganda. ‘Yung parents ni singer­ ay kinuha ng kamag-anak sa Japan.

‘Yung dalawang shupatengga (as in kapatid) niya eh andito pa sa Pili­pinas.

Paalis na ‘yung isa papuntang Dubai. ‘Yung isa naman ay nagwo-work sa call center at mataas na ang position.

Si singer, nasa-sight pa rin sa TV pero malaki na ang nabawas sa kanyang kasikatan.

Konting kandirit pa, La Ocean Deep na siya.