SINGER, KINAKARIR ANG PAGLALANDI

SINGER/COMPOSER, ginagamit ang kanta para makahada!

Medyo bago pa lang si singer/composer sa industriya ng musika pero nakagawa na siya ng kanta sa sikat na male & female singer.

Ang dami na niyang na-compose na kanta na ipinanlaban niya pa sa mga singing contest.

Hindi man niya nakuha ang grand prize, sobrang honor na iyon para sa kanya dahil nakilala na siya.

Nakagawa na rin siya ng jingle at theme song sa teleserye. Magkakaroon na rin daw siya ng kantang pampelikula.

Dahil diyan, nagti-train siya ng mga gustong maging singer, specially boys.

Maraming batang mahilig mag-sing kaya kinakarir ito ni composer.

‘Pag nagustuhan niya, sa kuwarto niya ito tuturuan ng DO MI SOL DO!

Hindi naman lahat ay bumibigay sa kanya.

Halimbawa, ‘yung isang 17-an­yos na boylet na pumiyok sa kanya at nagbantang ipapa-barangay siya. (Sana, sa pulis na lang!)

Tahimik ngayon si vaklang kompositor dahil naisumbong na ito kay kapitan.

***

May konek sa showbiz at politics ang guwapong bading na negos­yante, na na-link noon sa pogilicious young actor na magaling sumisid.

Ineskandalo si guwapong bading sa social media ng modelong dugyot na pinatira niya sa kanyang condo unit.

P290 lang ang pakimkim ni guwapong bading kay modelong dug­yot matapos ang umaatikabo nilang karatan,

Hanash tuloy ng isang thunder na juding, “Dapat malinaw ang usapan at expectations sa ganyan. Magkano ang iyong dangal, kuya?

“Napapahamak ang iba kapag nagkagaguhan. Hindi porke guwapo o gandara ang juding, libre!

“Parang ‘yung BFF kong divakla sa Pampanga. Mahigit isang dekada na nang makahada siya ng bortang boylet. Akala niya, free.

“Nagalit si borta. Pinagtataga ang BFF ko. Ginilitan sa leeg. Pinutol ang ari-arian at ipinasak sa bunganga.

“Pinasakan pa ng bote ang puwet. Eeewww!!!

“Kaya ingat-ingat, mga chufatid!”