ACTRESS/SINGER, pumalahaw ng iyak sa out-of-town show niya kamakailan.
Araw-araw natin siyang napapanood sa isang serye. Kahit hindi siya bida, OK lang sa kanya.
Feeling niya kasi, malaking tulong ‘yun para makita siya ng mga produ na kahit nagkakaedad na siya ay nagkakaraket pa.
Kaya tuwang-tuwa siya dahil my tumawag ng coordinator at makakaraket na siya ulit sa province.
Apaw ang galak niya na Saturday ‘yung raket at makakabalik siya ng Manila ng Sunday after lunch.
Malayo ‘yung lugar ng stage show kung saan may mga sundalong nagkalat.
Pero waaah siya care lalo na’t makakasama niya ang grupo ng defunct all-female sing & dance group.
Nawala ang kaba ng dibdib niya.
Buti na lang at sumama ang ka live-in niyang nganga.
Nag-landing sila sa lugar na maraming may dalang baril, pero marami silang bodyguard na nakakasa ang mga dalang baril. Tahimik ang area of responsibility.
Marami ring utaw na pinagtitilian pa rin sila. Lalong nabuhayan ng loob si ate.
Eto na ang gabing pinakahihintay nila… Grabe ang mga taong naghihintay sa kanila as in punung-puno ang plaza.
Nag-start na ang show na isang lalakeng La Ocean Deep ang host. In-intro ang defunct all-female group.
Aba! Nakakatulig na ingay at palakpakan ang mga utaw in the province!
Kaya tanggal ang daga sa dibdib ni actress/singer.
Isinigaw ang name niya ng host na pumiyok pa… malakas ang palakpakan ng mga taong bayan.
Sumigaw si ate, “MAGANDANG GABI SA INYONG LAHAAAAT!!!”
Biglang namatay ang ilaw!
Kaydilim ng lugar! Sigawan ang balana!
Si aktres, pumalahaw ng iyak na napakataas at nagpapapadyak! Mura pa nang mura at ang hanash, “Ayaw ko pang mamatay!!!” Tinawag ni ate ang namesung ng BF niya.
Hindi ito sumasagot.
Bumirit pa rin ng iyak si ate na ang tining-tining…
Biglang nagkailaw!
Na-sight ng taumbayan na nakatihaya si ate na kita na ang panty. Binuhat siya ng mga barangay tanod, ka-join ang jowa niya na noong natigok ang ilaw ay nasa ilalim pala ito ng stage. Lumitaw na lang si BF nang nagkailaw na.
Ayon sa talent coordinator, pumutok lang pala ‘yung saksakan sa main switch kaya na-lost in space ang light.
Si ateng naman, dahil bayad na ay nag-perform pa rin with so much power.
Buhay na buhay ang crowd at hinilingan pa siya ng MORE! MORE! MORE!
Walang clue? I believe……
sino yan shalala?