YOUNG SINGER/comedienne, sagad sa buto ang kaartehan at kayaba­ngan.
Sabi niya, “Teh, ito na ‘to! Ang tagal kong hinintay ‘to!”

Kaya naman nang nagka-name na siya, gigil na gigil na siyang mag-inarte at magpaka-diva.
Nakipag-friendship siya sa isang sikat na young actress na magaling umarte at sumayaw.

Laging ipinagyayabang at ipinangangalandakan ni singer/comedienne na best friend niya ito.
Paandar ni ate, ka-join niya sa gimikan ang sikat na young actress.

Sa isang coffee shop, present si singer/comedienne with friends nang dumating ang sikat na young actress na may mga kasamang kaibigan.

Akala ng friends ni singer/comedienne eh magyayakapan sila ng sikat na young actress.

Na-shock sila dahil kinawayan lang ni young actress si singer/comedienne at nag-about face na ito.

Wala man lang beso-beso!

Look kay singer/comedienne ang kanyang friends na sabay-sabay tumili, “Akala namin, BFF mo siya?! Eh bakit kumaway lang siya sa ‘yo?”

Palusot ni singer/comedienne, baka may problema lang ang sikat na young actress.
Problema my ass!

Next yabang ni singer/comedienne, sa isang party-party na invited siya.
Kasama ulit ni ate ang kanyang circle of friends.

Bilin ni ate, hawiin ang mga utaw na magtatangkang magpa- picture sa kanya.
Enter the dragon ang grupo sa restaurant.

Aba! Si feelinggerang singer/comediene, nakataas ang leeg na para bang nagha­hanap ng mga butiki sa kisame.

Takang-taka ang mga kasama niya.
Bakit ganu’n siya? ‘Yung may b-day lang ang binati ni ate.

Tapos, balik ang ulo sa paghahanap ng butiki.

Nagbulungan ang mga utaw. Bakit ganu’n siya eh wala namang gustong magpa-picture sa kanya o bumeso man lang?

Bakit?

***

Sa mga masusugid kong manliligaw na magreregalo ng fresh flowers at mga kandila….
PLEASE understand, matagal pa ang Undas.

Malalanta lang ang mga bulaklak.