‘Single bus route’ ipapatupad sa EDSA

Isang single bus route lamang ang ilalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kapag natapos na ang pinaiiral na ‘enhanced community quarantine’ (ECQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni LTFRB chair Martin Delgra sa isang virtual hearing, na sa mga 96 bus route sa Metro Manila ay 29 na lamang muna ang mabibigyan ng tinatawag na special franchise.

Aniya, isang oportunidad sa kanila ang COVID-19 health crisis para maisaayos ang lahat ng land-based transportation systems at upang mapaikli rin ang mga ruta at mapabilis ang biyahe sa bus at iba pang public utility vehicles.

“Under the plan, one of the 29 rationalized routes will span the entire belt highway EDSA, a stretch of 23.8 kilometers from Monumento at Caloocan City in the north to Baclaran near SM Mall of Asia at Pasay City in the south. Only buses plying the Monumento-Baclaran route would be able to use the single Edsa route,” paliwanag ni Delgra.

Ayon kay Delgra, isang bus route muna ang ilalagay sa EDSA, habang ang iba pang biyahe ay ilalagay sa hiwalay na ruta.

Kaya kapag nasa ilalim na ng ‘new normal’, ang commuters na magba-biyahe mula Fairview papuntang Makati, ay kailangan sumakay ng bus papuntang EDSA.

Mula EDSA naman ay sasakay ang mga ito ng bus papuntang Ayala. Magmula naman sa Ayala ay doon na sasakay pa uli papunta sa kanyang destinasyon sa Makati.

“These `rationalized’ routes will replace the old ones not only during the general community quarantine but even beyond that as part of the Department of Transportation’s effort to reform Metro Manila’s outdated land-based transport system,”paliwanag ni Delgra.

Ayon naman sa Department of Transportation (DOTr), handa na sila umano sa pag-lift ng ‘transportation ban’ sa ilalim ng ECQ, maliban sa mga jeepney at motorcycle taxis na diumano ay hindi nakapag-comply sa mga parameter na itinakda ng IATF.

Para sa kapakanan ng mga pampasaherong jeep, ay inaantabayanan pa umano ang ‘approval’ ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF). (Dolly B. Cabreza)