STANDINGS
TEAMS        W L
TNT Katropa* 6 1
Mahindra*      6 2
Ginebra*         6 2
San Miguel    5 2
Meralco          5 3
GlobalPort     3 4
Rain or Shine 3 4
Phoenix          3 4   
NLEX            3 5
Alaska            3 5
Star               1 6
Blackwater   1 7
*Quarterfinalists
Games ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — GlobalPort vs. TNT KaTropa
7:00 p.m. — San Miguel Beer vs. Meralco

Ikakasa ng San Miguel Beer bilang new import si Michael ‘Mike’ Single­tary pantapat kay Allen Durham ng Meralco sa tug-of-war mamayang seven o’clock ng dalawang team para sa sixth win at fourth quarterfinals slot sa Smart Araneta Coliseum.

Sa alas-4:15 p.m. appetizer muna ng PBA Governors’ Cup elims ngayon sa fourth-running SMB (5-2)-fifth Meralco (5-3) ang dikdikang league-leader TNT Ka­Tropa (6-1) at nasa triple-tie sa sixth, mainit na GlobalPort (3-4).

Nasa second-tour-of-duty na niya si Singletary na dumating nu’ng Bi­yernes bilang kapalit ni injured AZ Reid tapos giyahan sa sixth place ang Barako Bull Energy Cola sa 2013 Governors’ Cup sa 4-7 win-loss record. Nag-average siya 33.3 points at 12.8 rebounds.

Miyembro rin si Singletary nang nag-champion na Mighty Sports Apparel-Philippines sa nakalipas na buwang Jones Cup sa Taiwan sa sweep sa eight games. Galing ang team niya sa 106-103 upset sa karibal na Alaska nu’ng Miyerkules kahit nanood na lang si Reid.

Pero naka-ready na ang Bolts kahit aligaga pa sa magiging papel niya sa Beermen lalo’t nais nitong maituloy ang winning streak sa tatlo tapos huling kur­yentihin ang NLEX, 101-95, may anim na araw na ang nakararaan.

“Our biggest concern is we are not quite sure about their import situation and what role Singletary will play in their team,” namutawi kay Bolts coach Norman Black. “So our main focus will be on how to slow down June Mar (Fajardo) while will being able to close out on their shooters. Our defense will have to be well tuned for this game.”

Hinirit ng 1989 Grand Slam cham­pion coach ng SMB na si Black na kumayod sila sa praktis sa kagustuhang hindi lang mapa­ngalagaan ang streak kundi ang mapabilang sa top four finishers pagkalipas ng 11 games na may twice to beat incentive.