Natanggal na bilang coach ng Lady Falcons, pero nagpasalamat din si Air Padda sa buong Adamson community sa maiksi pero makabuluhan niyang stint sa koponan.

Sinibak si Padda sa trabaho nang mag-0-3 ang simula ng Adamson University sa UAAP 81st women’s indoor volleyball tournament first round eliminations.

Pinalitan siya ni Rogelio ‘Onyok’ Getigan.

Sa Instagram niya, nagpasalamat si Padda sa pagkakataong binigay ng Falcons management na hindi niya basta malilimutan.

“Maraming Salamat to the entire Adamson community for your undying support! I’m ho­nored to represent the school, alumni and fans these past two years,” aniya.

Nagpasalamat din ang tubong California sa lahat ng sponsor na nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang coach na malaki rin aniyang bahagi sa nabago niyang pagkatao.

“I will forever cherish every single moment I had as your coach. It’s been a privilege coa­ching you guys these past two years,” dagdag niya.

“Sobrang proud of you. I wish you nothing but the best and will be cheering you on from afar!”

Sa unang taon ni Padda, tumapos ang tropa niya ng 1-13 na win-loss record habang noong nakaraang taon naman nag-6-8 para mag-fifth place sa walong paaralan lang na liga.