Ise-celebrate ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ika-30 taong anibersaryo na may simpleng seremonya na lang ngayong umaga sa bagong gawang Rizal Memorial Coliseum (RMC) sa Malate, Manila.
“We are very happy to celebrate our 30th anniversary. This journey will not be possible without the help of everyone who has been with us since day one,” sabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, habang nagbigay pagkilala sa mga nakalipas na naging tagapangulo na tumulong sa sports agency simula noong founding year taong 1990.
Imbes na magarbong selebrasyon sa naabot na milestone, inalis ng PSC Board at mga empleyado ang unang plano at nagdesisyon na lang na ibahagi ang selebrasyon sa pagtulong sa biktima sa pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas, Laguna at Cavite.
“Sabi ko nga, 30 na kami, mas mature na kumbaga sa tao. Masaya ang lahat na makatulong kami kahit wala nang selebrasyon,” panapos ni Ramirez.
Magbibigay na lang ang PSC family sa kanilang special day ng isang misa at awarding ceremony para makilala ang nasa “loyalty in service” sa mga empleyado na umabot sa kanilang 5th, 10th, 15th at 20th taon sa pagserbiyo sa gobyerno at publiko.
Kabuuang 16 opisyal at empleyado ang tatanggap ng pagkilala ngayong taon. (Lito Oredo)