Sinita ng sekyu gumanti ng putok

gun-

Bala ang iginanti sa isang security guard ng isang lalaking sinita ng una dahil sa kahina-hinalang kilos sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Pasay City Police ang biktimang nasa kritikal na kondisyon bunga ng tinamong tama ng bala sa likod na si Punnex Kadir, 36, guwardiya ng Cebuana Lhuillier­ Pawnshop at naka-deploy sa kahabaan ng Rotonda at EDSA sa nabanggit na lungsod.

Inilarawan naman ang suspek na nasa 35-anyos, may taas na 5’8’’ hanggang 5’10’’, medyo kulot ang buhok, naka-checkered na polo at maong pants.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya lumalabas na habang nagroronda ang biktima sa binabantayang establisiyemento dakong alas-10:40 ng gabi nang sitahin nito ang suspek dahil sa kahina-hinala ang kilos.

Pabalik na umano sa puwesto ang guwardiyang si Kadir mula sa pag-iikot nang bumunot ng baril ang ‘di pa kilalang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa likurang bahagi ng ulo.

Nang makitang bumulagta ang sekyu ay agad namang tumakas ang suspek patungong Baclaran, habang isinugod si Kamir sa San Juan De Dios Hospital.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga awtoridad para makilala at maaresto ang suspek.