May pagkakataon pa, ayon sa Palasyo ng Malakanyang, na malinis ang pangalan ng mga isinasangkot sa kalakalan ng iligal na droga partikular ang mga isinapublikong pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang paglilinis ng pangalan ng mga inaakusahang sangkot sa operasyon ng iligal na droga ay maaari, ani Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, na gawin ng mga inaakusahan sa sandaling humarap sa korte.
Lahat ng mga pinangalanan ay magkakaroon ng pagkakataon na linisin ang kanilang pangalan sa korte at sa Philippine National Police (PNP).
Maaari rin daw tanggapin ng PNP ang affidavit ng mga inaakusahang sangkot sa iligal na droga upang linisin ang kanilang pangalan bago pa ito umabot sa korte.
Saludo tayo sa maigting na kampanyang ng gobyerno sa iligal na droga na alam nating mahabang panahong napabayaan.
Ang hindi lamang katanggap-tanggap ay ang kautusan sa mga inaakusahang linisin ang kanilang nadungisang pangalan sa korte o sa PNP.
Para sa amin, hindi simpleng pagkakamali ang pagkakasali ng isang pangalan sa mundo ng operasyon ng iligal na droga. Matinding dagok ito at pagkasira ng inaalagaang pangalan o reputasyon.
Kaya naniniwala kaming walang ibang maaaring luminis sa pangalan ng bawat inaakusahang sangkot sa iligal na droga kundi ang gobyerno o ang Pangulo ng bansa.
“Kaya naniniwala kaming walang ibang maaaring luminis sa pangalan ng bawat inaakusahang sangkot sa iligal na droga kundi ang gobyerno o ang Pangulo ng bansa.”
Ang tanong: paano?
Correct ka diyan !!!