Sino ang interesado sa comeback ni Maricel?

Maricel Soriano

SA social networking site ko lang nalaman na ­babalik DAW sa ka-Dos ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Talaga? Pelikula ba ito para sa Star Cinema? Primetime drama serye? Sabado night situational comedy?

Once a month throwback at flashback 80’s dance program? O, mala-­Ating Alamin, Tele-Aralan ng Kakayahan, Go Negosyo o O Shopping?

Ang showbiz konek ngayon kay Soriano, na hindi ko sure kung true, up for restoration or is it being restored na ang Ikaw Pa Lang Ang Minahal (1992) film ni Maricel na directed by Carlitos Siguion-Reyna.

Kahit career-turning ang performance niya bilang Adela, luhaan si Soriano na nominado sa lahat ng mga awards bilang best actress.

Si Lorna Tolentino ang nag-uwi ng mga tropeo para sa Narito Ang Puso Ko.

Well, kung totoong Maricel is to set foot bilang ka-Dos again, sana ay may mga manood at marami ang ma-excite.