MALALAMAN na kung sino sa natitirang limang iCandidates ng I Can Do That ang itutuloy ang kanilang laban hanggang dulo sa grand finals sa susunod na linggo.
Ngayong weekend (Mayo 27 at 28), ilalabas nina Daniel Matsunaga, Cristine Reyes, Wacky Kiray, Sue Ramirez, at Gab Valenciano ang lahat ng kanilang ibubuga sa solo acts upang makasungkit ng puwesto bilang ‘D’Great Finalist.’
Masusubukan ang flexibility ni Sue sa SCAFFOLD DANCE ACT.
Kakaibang tibay sa pagbalanse ang hatid ni Cristine sa ROLLA BOLA ROUTINE ACT.
Mapangahas si Wacky Kiray sa POLE BALANCING ACT.
Anong acts kaya ang napunta kina Daniel at Gab?
Sinu-sino ang apat na ‘D’Great iCandidates’ na magpapakitang gilas sa grand finals next week (Hunyo 3 at 4)?
Alamin sa I Can Do That ngayong Sabado at Linggo, 9:45 PM sa ABS-CBN.