Sino ang mangingibabaw sa puso ni Harry Roque?

For the record by Jeany Lacorte

Sa bawat plano, hindi nawawala ang mga sagabal. Parang ito ngayon ang nangyayari kay Presidential Spokesperson Harry Roque at sa kanyang planong makipagbakbakan sa darating na senatorial race.

Naging bukas sa publiko ang plano ni Atty. Roque na kumandidato sa Senado para maisulong ang mga batas na mapapakinabangan ng nakararami tulad ng kanyang iniakdang c na hanggang nga­yon ay ncckabitin pa. Ang bill na ito ang magbibigay ng libreng medical assistance sa lahat ng mamamayan mula konsultasyon, pagbili ng gamot at pagbabayad sa ospital. Lahat ay libre na kapag naipasa na ang health care bill ni Atty. Harry.

Ngunit tila may mga pangyayaring humaharang sa mga plano ni Atty. Roque at kabilang na rito ang plano ng Presidente. Malakas ang ugong ngayon na plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Presidential Communications Office at ibalik ang Office of the Press Secretary. Si Atty. Roque raw ang gustong pahawakin ng presidente sa naturang departamento.

Pero ayon kay Roque, “wala pa ka­ming napag-usapan ng Presidente tungkol diyan. Sa ngayon, tuloy ang plano kong mag-file ng aking kandidatura. Marami akong gustong isulong na batas na makakapag-angat ng kabuhayan ng mga kababayan natin… Pinalaki ako ng aking mga magulang na may buong paniwala na ‘ I can make a difference,’ kaya maaga akong nagkaroon ng mga adhikain sa buhay. Bata pa ako, naging ma-idealistic ako. Nangarap na akong marami akong matutulungan sa atin, lalo na mga aping Pilipino.”

Kung malalagay sa Senado si Atty. Roque, malaking bagay ito para maituloy ang kanyang mga adhikaing makatulong pero sa ngayon, aabangan natin ang mga susunod na kaganapan. Dahil ayon kay Atty. Roque, kakausapin muna niya ang Presidente bago magbitiw ng desisyon. Sa panig ng mga natutulu­ngan ng kalihim, tiyak na­ming gusto ng mga ito na maipuwesto sa Senado ang kanilang tagapagtanggol.

***

Delikado ngayon ang mga pulis sa Metro Manila na tutulog-tulog sa duty. Ito ay dahil determinado si NCRPO Director Gen. Guillermo Eleazar na linisin ang mga tatamad-tamad na pulis sa kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng isinasagawang surprise inspection tuwing gabi.

Ang internal clean­sing campaign ay prayoridad ni PNP Chief Oscar Alba­yalde at bilang hepe ng NCRPO, consistent si General Eleazar na huwag mauwi sa ningas-kugon ang naturang hakbangin kaya naman gabi-gabi ay pumipili ito ng mga presintong kanyang bubulagain.

Pinakahuli ngang nabulaga ng NCRPO Director ang mga pulis sa Parañaque at Las Piñas kung saan dalawang pulis ang nalag­lag sa kanilang bitag. Kasama ni Eleazar ang bagong talagang si Southern Police District Director Senior Superintendent Ely Cruz sa isinagawang surprise inspection.

Sa ating pagkaka­kilala kay Gen. Eleazar, alam nating hindi siyang ningas-kugon. Ilang beses nang pinatutunayan ng ating NCRPO chief ang kanyang dedikasyon sa trabaho kaya naman dapat ma-realize ng mga pulis sa Metro Manila na ‘pag sinabi ni hepe ay kailangang sumunod sila or else, meron silang paglalag­yan.