KAHAMBAL-HAMBAL ang itsura ni ex-PBA player Paul Alvarez sa news report na pinanood ko.

“AY! ANONG NANGYARI SA ­KANYA?!” ang ­malakas kong reaksyon ­habang kinakapayam siya sa isang buy-bust drug ­operation.

Juice colored!

Hindi maayos ang buhay ng dating supersikat na basketbolista. He has succumbed and continue to live in the dark side.

Kaya ang diva that you love, nagtaka at nagtanong… Wala na bang kumakalinga kay Alvarez kaya hindi pa rin ito tumitigil sa bisyo niya?

Ang daming mayayamang ex-PBA players na maaring mga kaibigan, kaidaran o ka-batch o mismo ang PBA bosses and powers that be…

Hindi man lang ba nila inisip na dalhin sa isang wellness center si Paul para ma-rehabilitate at magpagaling lalo na’t naging one of the best players si Paul sa PBA during his prime?

Sa kanyang ex-wife or ex-girlfriends, nagsawa na ba sila sa pag­tulong sa lalaking minsan ay minahal nila?

Kung may mga anak na siyang of legal age, working at economically sound, wala ba silang balak mag-extend ng helping hand sa kanilang tatay?

The case of Paul ­Alvarez is a cautionary tale to all of us.

Kaya sa mga artista, basketball player, mga sikat sa kanilang respective fields, lalo na sa mga taong masasabi nating “ordinary folk,” kung sa kasalukuyan eh lulong rin po kayo sa mga ipinagbabawal na chemical substances, maging reminder sana sa inyo ang pagkakatimbog kay Paul Alvarez.

Tama na po iyan. Iti­gil n’yo na po.

Hindi pa po huli ang lahat. May pagkakataon pang magbago. Tumi­gil na po kayo sa inyong mga bisyo.

4 Responses

  1. MARAMI PA SILA, MGA SUPERSTARS, MEGA STARS, BASKETBALL SUPERSTARS, SUPERPULUBI, SUPERYAMAN, MGA BIT PLAYER STARS , ALL OF THEM ARE ADDICT STARS