Kapag pinagsama-sama ang mga komento sa ­social media ‘di hamak na mas maraming kampi sa Malacañang­ sa usaping kinasasangkutan ni Senadora­ Leila de Lima; kesyo trolls ng ‘Dutertards’ o ‘Yellowtards’ ang nagpapakawala, hindi puwedeng balewalain ang lehitimong tanong sa sinapit ng mambabatas.

Huwag na nating pag-usapan ang tinakbo ng House hearing on illegal drugs dahil mahirap humusga­ lalo pa’t kriminal ang testigong iniharap; aba’y kailan­ pa umamin ang kriminal sa kasalanang nagawa at palaging­ sagot ‘napagbintangan’ lamang; hindi natin­ alam kung ano ang totoo at kasinungalingan­ sa ­kuwento ng mga convicted criminals.

Ang kapansin-pansing komento lamang sa social­ media — kung sino ba talaga ang tunay na Senate President­ o nagpapatakbo sa Upper House; meron­ ­komentong ‘sunud-sunuran’ si Senator Koko Pimentel­ sa dikta ng kasamahan at walang sariling paninindigan­ sa kaso ni De Lima.

Isa sa komento — ‘hindi majority bloc’ ang sinusundan ni Pimentel kundi dikta ni Senador Alan Cayetano na sa tingin naman ng inyong lingkod, ito’y hindi gagawin ng Senate President lalo pa’t meron sariling kaisipan o katalinuhan dahil bar topnotcher ang mambabatas.

Sa panig ni Cayetano, kahit ano pang uri ng pagda­daldal ang gawin sa floor laban kay De Lima, hindi ba’t mas dapat pa ngang papurihan dahil napakahusay nitong mag-operate para mapasunod ang mga kasamaha­n kahit hindi naman nakaupong Senate President ito.

Maaaring hindi nga nasungkit ni Cayetano ang Senate­ presidency dahil masyadong ‘assuming’ sa numero­, katulad sa naunang komento ni majority leader­ Tito Sotto bago nagkabotohan nu’ng magbukas ang s­esyon subalit kapag sinuri ang sitwasyon sa Senado, ‘di hamak na mas powerful ang talunang vice presidentiable.

Kung totoong mas pinapakinggan ang bawat ­‘kahol’ ni Cayetano at sinusunod ng ‘madlang people­’ sa Senado, bakit hindi bitawan ni Koko ang posisyon; hindi ba’t insulto na naturingang Senate President pero­ iba ang nagkukumpas sa floor?

Sa kahit sinong tumingin sa takbo ng politika, ­siguradong sasang-ayunan ng sinumang political ­analyst ang obserbasyong epektibo si Cayetano­ sa maniobrahan, maliban kung itatanggi pagiging ‘trainor­’ ni Senador Manny Pacquiao kaya’t na-knock out si De Lima nang hindi man lamang nakapag-­promote sa laban.

Sa kabilang banda, ayoko ring paniwalaan ang ganitong senaryo sa Senado na meron dalawang Senate­ President si Pangulong Digong dahil wal­a rin sa karakter ng ilang kasamahang senador ang ­mamangka sa dalawang ilog at kailanman hindi ­nagpapahawak sa leeg ang mga ito, maliban kung merong pinag-­iingatan na posibleng mabalikan?

Ang problema lamang ngayon ni Pangulong Digong­, paano kung mawala si Cayetano sa Senado at tuluyang gawing kalihim ng Department of Foreig­n Affairs (DFA) sa susunod na taon; sino ngayon­ ang ­lehitimong magtatanggol at mangangagat para sa ­Pangulo; sino ang ‘kakahol’ para pasunurin ang mga kasamahang senador lalo pa’t kakapiranggot ang PDP-Laban dito — kaya ba ni Koko sa loob ng tatlong taon?

Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

6 Responses

  1. Ka Rey Marfil alam naman namin na kay PNoy pa din ang simpatya mo at nagtatago na isa kang fair na mamamahayag, hindi dikta ni Cayetano kungdi desisiyon ng mayorya kung bakit natanggal si De Lima sa chairmanship ng Justice, at kung mawala man si Cayetano sa Senado palagay ko di mo na problema kung may magtatanggol kay PDU30 o wala dahil lahat naman ng mga Senador liban sa mga taga Liberal ay walang mga konsensya di dapat kapartido mo dapat konsensya ang pinaiiral.

    1. Sino Po ang may konsesya? Kung kailangan po na Si De Lima ay hatulan Hindi po dapat sa kongreso dalhin na Po sa hukuman. Parang ganyan din Po si Binay ng iniimbestigahan walang nangyari, tahimik na si Pimentel at Cayetano dahil natalo siya. Si Gloria naghintay ng bagong administrasyon, ngayon wala Ng sakit tanggal na ang nasa leeg at nasa ibang bansa na. Puwedeng makulong din Si De Lima pero as susunod na halalan at kaibigan niya ang nanalo tapos na rin ang kaso. Sa pandinig sa kongreso makikita na si chief PAO Persida Acosta ang nag aalalay kay Justice secretary Aguirre. Sabi niya ay pinagtatangol niya ang preso na testigo laban kay De Lima. Sa dami ng pera na sinasabi ng convicted prisoners kailangan pa ba nila ng libreng manananggol.
      Ang PAO ay dapat sa mga taong hindi kayang kumuha Ng tagapagtanggol.
      Ito Po ay aking opinyon wala Po akong kinikilingan.

      1. Itatanong ko din sayo sa dami ng droga na mismong sa loob ng NBP at nag uugnay kay De Lima at kung paanong nakinabang sya di mo ba naisip ang mga nagawa ng mga lulong sa droga na yan at mga naging biktima nila, di bat ginawa din nila kay Gloria yan sinikil din nila ang karapatan nya pero para sa akin guilty din sa pagnanakaw si Arroyo pero wala silang naiprisintang matibay na ebidensya kaya napawalangsala sya ng Ombudsman. Oo ngayon kelang na nila ng serbisyo ng PAO dahil wala na silang pagkukunan ng pondo.

      2. Ang tanong Ko Po ay Kung may mangyayari sa imbestigasyon na ito sa kongreso .Kung may sapat na pong ebidensya dapat dalhin na sa husgado at bigyan na Ng kaso. Iyan Po ang aking opinyon makulong man Si De Lima ay Baka mabsuwelto din katulad ni Gloria. Sa napanood Ko Po ay may mga abogado yung mga testigong preso sa tabi nila. At Kung yung pong chief Ng PAO ay tagapagtanggol Ng mga testigo bakit Po wala sa tabi nila siya. Marami pong salamat sa Inyong paliwanag.

      3. Yan ang masakit na katotohanan halos lahat ng imbestigasyon sa senado na in aid of legislation diumano e di nag prosper dahil puro grand standing lang di masama manguna sa imbestigasyon lalo na ngayon na kaya lumala ang droga sa pinas ay dahil sa imbes na ang DOJ na syang may hawak sa NBP ang tagapagpatupad ng batas sila pa ang naging protektor, isipin na lang na nakakulong na ang mga bigtime drug lords pero nakakapag operate pa din ibig sabihin lang madami pang naging biktima dahil madaming lulong ang nasa labas ng kulungan.

      4. Wala silang nakitang ebidensiya kay Gloria dahil according to Mon Tulfo ang humawak ng pera ay yung asawa si Mike Arroyo, who in turn handed the money to Vicky Toh, yung kanyang diumano ay kabet, hahaha! Sorry na lang Pilipinas nating mahal at mga kaawa awing Pilipino, talagang ang buhay ay weather weather lang.