Marami ang umaaktong henyo; sandamakmak ang nagpapakilalang komentarista at ‘Mr. and Mrs. Know All’ sa pagka-appoint sa gobyerno ng celebrity couple na sina Aiza Seguerra at Liza Dino; merong tumaas ang kilay at kamuntikang malaglag sa kinauupuan ang mga ito.
Kahit ano pang kritisismo sa pagkakahirang kay Aiza bilang chairperon ng National Youth Commission (NYC), ito’y prerogative ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang respetuhin. At kalokohan kung i-appoint ni Duterte ang nakaaway nu’ng nakaraang eleksyon.
Gayundin sa pagkaka-appoint ni Ms. Dino bilang chairperson ng Film Developement Council of the Philippines (FDCP) — ito’y pinagkakatiwalaan ng Pangulo at walang sinumang maaring kumuwestyon sa kakayahan ng celebrity couple, maliban kung meron nakahaing kaso o reklamo.
Kahit pa ikabit kay Ms. Dino ang alegasyong ‘bayad-utang’ ni Duterte sa amang si Martin Dino, chairperson ng Volunteers Against Crimes and Corruption (VACC) na sumalba sa Pangulo para makatakbo nakaraang eleksyon, hindi pa rin sapat upang kuwestyunin ang kapasidad para pamunuan ang ahensiyang ito.
Sa ilang dekada, hindi mabilang ang mga artistang humawak ng posisyon sa gobyerno, mapa-local o national; iba-iba man ang kanilang pinagdaanan at kuwento; napariwara man o malaki ang naiambag sa serbisyo-publiko, hindi pa rin lisensiya para husgahan ang katulad nina Aiza at Liza na pinagkatiwalaan ng Pangulo.
Kung si Dingdong Dantes naging epektibo sa NYC, hindi naman siguro kalabisan na sabihin na kayang tapatan o maaring higitan pa ni Aiza ang nagawa ng aktor; ganito rin sa sitwasyon ni Ms. Dino lalo pa’t bagong dugo ang mamumuno sa makalumang sistema ng film development council. Take note: Tayo’y nasa bagong henerasyon; makabago ang atake sa paglikha ng mga pelikula at sining; mas moderno ang kaalaman ng kabataan at panahon ng mellenials ngayon.
Bagama’t tumamlay ang ningning nina Arnel Ignacio at Jimmy Bondoc, maituturing pa ring celebrity ang dalawang die hard supporter ni Duterte at makatwirang suportahan ang bagong posisyong ipinagkaloob ng Pangulo dahil mas kailangan ang tulong ng mga ito keysa kondenahin o punahin ang bawat kilos.
Sino naman tayo para husgahan si Arnel bilang AVP of the Community Relations and Services Development ng PAGCOR; hindi ngayon ang tamang panahon upang batikusin ang komedyante lalo pa’t hindi pa nakaka-take off sa kanyang opisina ito; puwede siguro pagkalipas ng isa hanggang dalawang taon.
Tanging panalangin lamang ngayon ng ilang malapit kay Kat De Castro na itinalaga ni Duterte bilang undersecretary ng Department of Tourism (DOT), nawa’y maging kapaki-pakinabang sa departamento at hindi puro palakpak at tango.
At least, ramdam ngayon ni Ms. De Castro na ‘sala sa init, sala sa lamig’ ang bawat kilos ng isang opisyal. Ika nga ni Erap ‘weder, weder lang yan’. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)
parang ironic ang artikulo mo ngayon mr. Marfil hehe totoo b yang pinapahayag mo o ikaw ang humuhusga? tanong lang po..