Isang mataas na opisyal at awtoridad sa karera ang inirereklamo ng mga tagakarera dahil kung mag-aasta daw ay akala mo sa kanya ang karerahan.
Me gana naman daw talagang magmando nang ganun si opisyal dahil mataas ang katungkulan nito sa karera, pero ang hindi maganda ay kung paano siya magsisigaw sa kanyang hindi nagugustuhang tao.
Minsan daw narinig sa kabilang kuwarto ang pagsigaw nito sa ilang mga kausap niya na binigyan daw nito ng ultimatum sa kung ano’ng bagay. Ang tanong daw ng mga nakarinig, siya na ba talaga ang may-ari ng buong karerahan sa bansa? Kuwidaw … may katapusan ang lahat.
***
Isang horse trainer ang na-out daw sa kanyang pinaglilingkuran horse owner dahil hindi sa nito pagkakabigay ng magandang “tip” sa isa niyang kabayong biglang nanalo ng hugando.
Dati na niyang amo ang horse owner noon pero dahil sa hindi mapagkasunduang bagay ay nagpaalam siya dito. Pero noong nakaraang taon ay pinakiusapan daw siyang bumalik at alagaan ang kanyang mga kabayo. Pumayag naman siya.
Ngayon, ang kanyang mga dating hawak na kabayo sa horse owner ay nasa pangangalaga na ng kapwa niya horse trainer na dati na ring nag-alaga ng mga kabayo ng nasabing horse owner. Merry-go-round.
***
Isang horse owner ang medyo masama ang loob sa kanyang “katiwala” dahil medyo napapabayaan daw ang kanyang mga kabayo nitong mga nagdaang mga linggo.
Kung dati ay nagpapanalo siya sa pista, ngayon ay bilang na ang kanyang mga kabayong napupuwesto man lang sa mga laban.
Ang dahilan daw ay dahil sa kakulangan ng atensyon at pag-aalaga sa kanyang mga kabayo na lagi na lang inaasa ngayon sa kanilang mga sota. Iba nga naman daw ang alaga ng tunay na horse trainer.