TEN INCHES ang suot na heels ni Sinon Loresca nang rumampa siya sa pa-red carpet sa presscon ng Impostora sa GMA Executive Lounge.
King of Catwalk ang naging taguri kay Sinon mula nang mag-viral ang kanyang videos na rumarampa-rampa siya suot ang matataas na heels.
Una siyang nakilala bilang Rogelia sa Kalyeserye ng Eat Bulaga at ngayon ay Pareng Sinon na ang tawag sa kanya sa ‘Jackpot En Poy’ portion ng show.
Kahit mukhang maton at batu-bato ang katawan ay kabogera rumampa si Sinon na sanay na sanay magsuot ng pagkatataas na heels.
Plano niyang rumampa suot ang matataas na takong niya na ‘yon sa iba’t ibang tourist spots sa London pagpunta niya ng UK sa June 17.
Hirit namin kay Sinon, nu’ng isang araw lang ay may terrorist attacks sa London Bridge at sa Borough Market. Hindi ba siya natatakot du’n?
“Bahala na, kahit makaharap ko pa ang terrorists, gagawin ko pa rin ‘yan. Walang makakapigil sa akin. Basta rampahan.
“Gusto ko pa nga, mag-selfie sa mga terrorist! Magsama pa kami. Magkakamukha kami, ‘di ba?” natatawang biro ng hitad.
Nagpaalam na siya sa Eat Bulaga na 10 days siyang magbabakasyon sa London para mag-spend time with his husband at ang sister niya na nandu’n din.
Seven years nang kasal si Sinon sa kanyang straight-acting na asawang Briton. 38-anyos ang dyowa niya, 10 years ang tanda sa kanya.
Ayaw ipakita ni Sinon kung anong itsura ng Papa niya, pero nakulit namin siyang ipasilip ang isang pic nito from his celfone.
In fairness ay totoo ang tsika niyang kamukha nito si Drake, ang Canadian rapper-singer-actor na naging dyowa ni Rihanna.
Nagkakilala sila ng British dyowa niya sa isang dating website. Dahil based na rito si Sinon, minsan ay pumupunta rito ang Papa niya o siya ang lumilipad pa-London.
Sabi sa amin ni Sinon, hindi niya kailangang magpaopera at magpalagay ng keps.
Ang gusto sa kanya ng foreigner dyowa niya ay ‘yung may nota siya at batu-bato ang katawan, pero babai-babaihan.
Hindi problema sa kanila ang LDR dahil may Skype naman.
“Pakitaan na lang!” maharot na dayalog ni Sinon, sabay tawa.
Faithful siya sa dyowa niya at sinasabi rin ng dyowa niya sa kanya na faithful ito sa kanya.
Showbiz crush ni Sinon si Aljur Abrenica dahil sexy ito.
Crush niya rin si Alden Richards dahil napakabait nito ‘pag kasama nila sa Eat Bulaga.
Ang bet niyang maka-sex ay si Zac Efron. Ayaw niya ng Asyano dahil DUTY FREE raw ang mga ito.
Afam talaga ang market niya. Lahat ng nationality ay natikman na ni Sinon nu’ng wala pa siyang asawa.
Ang pinakabongga raw ay ang mga Arabo.
Loyal gay best friend ni Nimfa (Kris Bernal) ang role ni Sinon sa Impostora na malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime.