Inabot ng kamalasan ang Odicta couple, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“So I cannot say anything, good or bad, wala ako kasi, ‘yan ang pinili niya eh. He was corrupting everybody.

Lahat pati ‘yung mga governors, may isang governor dito sa Visayas, I named him before, if you do not believe me, go to Cebu.

I tried to get a time to talk to him, wala kang… pati ‘yung salita niya umiikot … he is already dysfunctional,” ani Duterte.

“Odicta was really ­being hunted sa Iloilo. ­Siya ‘yang number one, inabot talaga siya ng malas,” ani Presidente Digong.

Bunsod nito ay nagmistulang warning sa iba pang mga sangkot sa kala­karan ng bawal na gamot ang sinapit nina Melvin, alyas Dragon, at misis nitong si Merriam Odicta.

“Sinong gustong sumunod dito sa inyo kay Odicta? Bakante ngayon, patay na raw,” babala ni Pangulong Duterte.

Batay sa mga ulat, itinumba ang mag-asawa pagbaba sa roll-on roll-off (RoRo) vessel sa Caticlan port ala-una ng madaling-araw nitong Lunes.

Unang tinamaan si Merriam kasunod si ­Melvin. Sinasabing mula­ sa Batangas ay sinundan­ ng gunmen ang mag-asawa­. Dalawa katao ang sinasabing nagtumba sa Odicta couple.

Matatandaan na nauna­ nang nagtungo sa Camp Crame ang mag-asawang­ Odicta at nakipagkita kay Department of Interior­ and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno noong Huwebes para­ pabu­laanan ang paratang ng ­pagkakasangkot sa illegal­ drug trade.

Pero ayon sa Pangulo, hindi na nito problema ang masaklap na kinahinatnan ng Odicta couple?

“That is not my problem, he is wanted and he is the number one drug lord. Talagang drug lord ito, and I was just informed early this morning that ‘yung Odicta couple, mag-asawa­ patay, sa pantalan yata inabutan,” sabi pa ni Pangulong Duterte nang lumapag kahapon sa Catbalogan, Samar kung saan ay personal itong nakiramay sa mga nauli­lang kaanak ng nasawing­ si PO1 Gary Cabaguing (na nagbuwis ng buhay sa isang anti-drug ope­ration).

Nauna nang ikina­wing ng Philippine Drug Enforcement Agency­ (PDEA) si Odicta na mas kilala bilang “Dragon­” sa underworld na umano’y major supplier ng iligal na droga sa Iloilo.

13 Responses

  1. KAHIT SINO PA ANG PUMATAY …TAMA LANG NA MAMATAY SILA….KAYA KAYONG MGA PASAWAY HUMANDA NA KAYO..DAHIL IISA ISAHIN NA KAYO MGA DIMONYO SA LIPUNAN…HAHAHAHA

  2. MAY HIRING… NEED A DRIVER…
    1. DAPAT PLEASANT PERSONALITY
    2. PAG NAKAHIGA, KATAYO ANG 9 INCHES ANG HABA…
    ONE YEAR SERVICE…. AUTOMATIC GET A MANSION…