Sinong tanders? Lavandia 4-gold

Sinong tanders? Lavandia 4-gold

“Never too old to set another goal” ang peg ni 66-year-old javelin thrower Erlinda Lavandia sa pagtuhog ng apat na gold medal at pagtangap ng Best Athlete of Field Event Award para sa Team Pilipinas sa Singapore Masters Athletics’ 40th Anniversary Track and Field Championships 2019 nitong weekend.

Pinagreynahan ni Lavandia, 66, ay mula sa women’s 65-above discus throw, shot put, javelin throw at hammer throw sa two-day trackfest.

Pumukol ng 25.65 meters sa unang attempt ang three-time SEA Games gold medalist para sa javelin upang maungusan sina Indonesia Juia Jacob at Sri Lankan duo JA.Jasmin at E.N.L Javanthi, na may 14.15m, 12.66m at 10.45m, ayon sa pagkakabanggit.

Nagrehistro ang Pinay athlete ng 18.99m sa discus throw, 20.81m sa hammer at 7.25m sa shot put upang malamangan muli ang Indonesian at Sri Lankan rivals. (Myris Lee)