Sinulog festival queen, nanalo na naman sa Reyna ng Aliwan

REYNA NG ALIWAN

KINORONAHAN ang 2017 Sinulog festival queen na si Marla Alforque bilang Reyna ng Aliwan 2017 noong Sabado night.

First runner-up si Apriel Smith )Utanon festival ng Dalaguete, Cebu), na nagkamit din ng special awards na Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

Second runner-up sina Arielle Jazmine Roque (Tuna festival ng General Santos City), Ma. Ahtisa Manalo (Niyogyugan festival ng Quezon Province), at Venisse Charm Costibolo (Sangyaw festival ng Tacloban).

Ito ang ikawalong pagkakataon na ang Sinulog festival queen ay nakamit ang korona ng Reyna ng Aliwan crown.

Si Marla Alforque, tubong-Carcar, ay BSE graduate na nagtuturo dati sa secondary school.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa legal division ng Department of Public Works and Highways sa Cebu.