IKAAPAT na episode na ng Daig Kayo ng Lola Ko bukas (Linggo) sa GMA 7.

Dahil sa palaging pagsisinungaling nina Elvis (David Remo) at Moira (Chlaui Malaya), muntik nang hindi maniwala si Alice (Jillian Ward) na nasa panganib na si Elvis.

Dito malalaman ni Lola Goreng (Gloria Romero) na may tampo na pala si Alice sa dalawang bata dahil sa pagtatago ng sikreto nina Elvis.

Mapapakuwento na naman si Lola Goreng tungkol sa isang lalaking nagsinungaling at sa babaeng iniibig nito.

Ito ang kwento nina Tonyo at Sarah.

Dahil mayaman si Sa­rah, nagpanggap si Tonyo na mayaman din para magustuhan siya nito.

Kahit pa inuusig si Tonyo ng kunsensya niya, mas papakinggan pa rin niya ang parte ng sarili­ niya na pilyo at maloko.

Itutuloy niya ang pagsisinungaling at pagpapanggap. Magugustuhan nga siya ni Sarah.

Pero paano kapag nabuking siya ng dalaga?

Ano kayang mga ba­gong aral ang matutunan­ ng mga bata tungkol sa kuwento nina Sarah at Tonyo?

Abangan sa Daig Kayo ng Lola Ko!