KAWAWA si Bb. #13 Sirene Sutton.

Bago ang coronation night ay isa si Sirene sa hinuhulaang makakakuha ng isa sa mga pinag-aagawang titulo.

Na-lost ang lahat ng chances niya dahil ina­lat siya sa dreaded Q&A segment.

Ninerbyos, nalito, naguluhan o hindi niya naintindihan ang tanong, kaya nag-NO agad si Sirene, saka siya nag-YES, tapos ay nag-NO siya ulit.

Ang masakit pa, ina­butan siya ng time limi­t kaya hindi na niya nasagot ‘yung tanong.

Agad-agad ay inihilera si Sirene sa mga katulad ni Janina San Miguel na epic fail ang sagot sa Q&A.

Sayang. Kaya lang ay ganu’n kaimportante ang Q&A na ligwak siya agad at ni hindi siya nag-runner-up.

Mukhang totoo ‘yung tsika na mas binigyan ng weight this time ng Bb. Pilipinas ang kakayahang sumagot ng mga kandidata.

Hindi na puwedeng panay ganda o katawan lang, mas mahalaga ang may utak at marunong magsalita.

In fairness ay maganda ang resulta nito dahil pawang magaga­ling sumagot ‘yung mga nanalo.

Ibig sabihin, kumpiyansa kang hindi tayo magkakalat sa Q&A portion sa international competitions.

Madalas kasi itong mangyari at matagal na itong kahinaan ng mga kandidata natin, na sana this time ay nabago na.