Sisi nakaligo na sa wakas!

Mainit na Pamasko ang handog ng former UST volleyball star na si Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina nang mag-post ito ng kanyang litrato sa beach habang naka-two piece at nakasakay sa bangka.

“That “yes nakaligo din,” sey ni Sisi (@Rondina011).

Puro relax at chill ang ginagawa ngayon ng volleyball superstar matapos ang bronze medal finish sa 30th SEAG beach volleyball event kamakailan.

Ilan naman sa mga fan ang hindi napigilan magpahayag ng komento sa kanyang pigura.

Sabi ni @joshuathevilla, “sana all may abs,” habang si @_sheena2 ay napa-“LABYUUU.” (AE)