Sobrang lamig sa gabi mga klasmeyt ramdam natin yan bandang alas-11:00 kagabi hanggang madaling-araw, kaya kung may mga alaga kayong sisiw ay tiyak na nilalamig din sila.
Para malakas ang kanilang resistensya bigyan niyo sila ng vitamins at tutukan niyo yung mga sisiw na ginawin at palaging nakayupyup, magtanong kayo sa mga bilihan ng pagkain ng manok at may irereseta sila sa inyo. At ilawan niyo ang mga kulungan nila para may dagdag init sa kanilang katawan.
Huwag na kayong magtipid at tamarin na bisitahin sila sa gabi dahil siguradong lupaypay kayo ‘pag natuluyan mga alaga niyo, sayang ang paghihirap niyo kapag namatay ang mga sisiw niyo.
***
Patuloy ang pupugan sa World Slashers Cup-1 2019 sa Big Dome at habang tumatagal ay lalong lumulupit ang mga paluan.
Good Luck sa mga kasali at sa mga sabungerong nagta-trabisya ay hinay-hinay lang, matagal at maraming pang sultada.
Ilang mga bigating sabungero ang naka-dalawang puntos sa 3-day elimination round. Dalawang entries nina Celso Evangelista at Nathan Jumper ang may 2 pts. Ito’y ang LongScore N Jumper Smokey Experto 1 at 2.
Sana mga Boss magtuloy-tuloy ang magandang simula. Good Luck po!