Tinahi ng Olivarez College ang pang-anim na sunod na panalo matapos kaldagin ang Centro Escolar University, 69-67, sa Universities and Colleges Basketball League Summer Invitational sa Buddhacare Gym sa Quezon City.

Pinoste ni Jayboy Solis ang 17 points, nag-ambag ng 16 at 11 sina Pruvil Bermudez at Archie Sunga para sa Sea Lions na hindi pa namamantsahan ang karta.

Nagtala naman sina Paul Galinato at Moh Ascano ng tig-19 markers para sa Scorpions na bitbit ang 3-4 card.

Sa ibang mga laro, kinalos ng Diliman College ang National U, 67-57, habang dinukot ng Jose Rizal University ang 88-79 panalo kontra College of St. Benilde.

Tumikada si Alex DiakĀ­hite ng 28 points at 20 rebounds para sa Diliman Blue Dragons na may apat na panalo sa anim na laro.

Kapit ng NU ang 4-3 record.