SIZE QUEEN!

Cai Cortez

ANY moment now ay puwedeng isilang ni Cai Cortez ang kanyang first baby dahil kabuwanan na niya.

Baka habang binabasa n’yo ito ay iniluwal na niya ang baby boy nila ng kanyang foreigner hubby.

Biro kasi sa amin ni Cai nu’ng presscon ng Ang Babae sa Septic Tank 2, after the presscon ay diretso na siya sa delivery room.

Buntis na ang kome­dyanang anak ni Rez Cortez nang ikasal siya last July sa Tunisian husband niyang si Wissem Rkhami.

May mga negosyo noon sa bansa nito sa North Africa si Wissem, pero umalis ito roon dahil sa mga giyera-giyera.

Bale 4 years na ito sa ‘Pinas at nagwu-work for a Canadian company nang magkakilala sila ni Cai sa dating app na Tinder.

8 years ang pagitan nila. 37 si Wissem, 28 si Cai. Binata ito, siya raw ang first wife nito at first everything.

Love online ang namagitan sa kanila, pero matagal na silang nag-uusap bago sila nagkita in person.

First time pa lang nilang mag-meet last year ay sinabi agad nito kay Cai na, “I will marry you!”

Ang sumunod na eksena ay meet the parents na. Nagpaalam na si boyfie na gusto siya nitong pa­kasalan.

Kumusta ang isang Tunisian guy for a husband?

“Seloso and passionate. Understanding siya sa work, pero nagtatampo siya sa mga tambay-tambay sa labas,” pakli ni Cai.

Kaya nga­yon ay sinisiguro niyang pag-uwi ng hubby niya ay may nakahain na pagkain at mabango siya. Domesticated ang peg.

‘Yung dating party girl na si Cai na kung umuwi mula sa gimik ay 6:00 AM na, ngayon ay isa nang dakilang homemaker.

Na-meet niya kasi ang guy na nagpatino, nagkontrol at nag-tame sa kanya.

“Siguro, I just needed a man who knows how to take care of me.”

Ang laking lalaki ni Wissem? MALAKI rin ba?!

“Yeah!!! You think papayag ako kung hindi? Siyempre, malaki! Ano ba?!

“Ang lagay namang pipili tayo ng hindi proportionate! Ha! Ha! Ha! Ha!” tili ng Size Queen na si Cai.

Gusto ng mga magulang niya ang kanyang mister, na modern Muslim at hindi practicing.

Willing itong magpa-convert sa Catholic, pero hindi issue kay Cai ang religion.

Habib na ang ibig sabihin ay ‘lover’ ang pangalan ng magiging panganay nila.

Preggers na si Cai nang gawin niya ang Ang Babae sa Septic Tank 2 na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.

Kung sa orig na movie ay si Cai ‘yung PA na hindi nagsasalita, ngayon ay line producer na siya at si Khalil Ramos na ang bagong PA na halos walang dayalog.