SK election ituloy — Youth Commission

barangay-election-registration

Umapela ang National Youth Commission (NYC) kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na ituloy ang pagdaraos ng Sangguniang Kabataan (SK) election sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

“Ang pakiusap po at panawagan ng NYC, baka naman po pwedeng kahit iyung SK elections ay ituloy natin just to give young people iyung pagkakataon na maging bahagi ng ating mga mekanismo for governance,” sabi ni NYC commissioner Percival Cendaña sa panayam sa DZMM.

Hinimok ng NYC si PDu30 na bigyan ng tsansa ang mga reporma na inilatag ng youth council kasunod ng paratang na nagiging “breeding ground” ng korapsyon at political dynasties ang SK.

Dinagdag nito na bukas din ang NYC sa appointment ng SK leaders.