Arestado ng Cavite Police ang isang SK kagawad matapos inguso ng ilang estudyante ng Aniban National High School na siyang pinagkukunan nila ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Bacoor City, Cavite.

Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ni Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police Station ang suspek na si Gerwin Padilla, 21, ng Brgy. Aniban 2, Bacoor City.

Sinabi ni Cabatingan na inaresto si Padilla dahil sa reklamo ng ilang estudyante na kanilang natatanggap na umano’y siyang pinanggagalingan ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa operasyon, nakuha kay Padilla­ ang tinatayang 7.58 gramo ng pina­tuyong dahon ng marijuana na may street value na P303.

Itinanggi naman ni Padilla ang akusasyon bagama’t sinabi nito na gumamit siya noon ng marijuana para pang-alis ng kanyang stress. (Gene Adsuara)