Skateboarding bilang sining,lifestyle at isports; nakakagulat na nakakasakit

Kung tatanungin mo ako kung ano ang skateboarding ang isasagot ko ay ‘undeniable cool’.

Mula sa rebellious attitude, punk rock music and fashion, signature baggy clothing at malulupit na shoes hanggang sa paghahangad na maging kasing-galing ka rin ng mga sikat na skateboarders tulad nina Tony Hawk at Shaun White, iba yung excitement, fulfillment at saya na dulot nito para sa akin. Masasabi ko rin na isa itong paraan ng pamumuhay.

Libangan

Ang Skateboarding ay naging libangan ko noong bata-bata pa ako, (para namang napakatanda ko na, o sige, sige ganito na lang, highschool days hanggang early college days na lang! Sorry nalang at hindi ko na sasabihin kung kailan ‘yun!) Kagaya nga ng sabi ko, popular ito sa mga kabataan kung saan ang isang tao ay nakasakay sa isang board na may apat na maliliit na gulong habang gumagawa ng iba’t-ibang tricks, considered na rin ito na isa sa mga so-called extreme sports.

Pero more on form of recreation talaga para sa akin ang skateboarding. Hindi ako sumali–sali sa kahit anong competition (alam ko naman kasing hindi ako mananalo, mataba-taba pa kasi ako noon, haha!). Pero kahit pa, masasabi kong achievement na rin ‘yung mga natutunan ko sa paglalaro nito. Andoon na ‘yung mga simpleng Ollie, ‘yung mga aerial acrobatics na ginagawa sa mga half-pipes, ‘yung mga joyride sa mga empty swimming pools, pagti-tricks kung saan–saang kalye, sa mga hagdan, rails, ledges at iba pang mga obstacles.

Pinangarap 

Natatandaan ko pa nga noong wala pa akong sari­ling board tapos pinapanood ko lang ‘yung kapitbahay namin na lalaki, mga nasa early 20’s siya noon na sa dami ng skateboard niya ay ginawa nang design ng dingding nila lahat ng mga ‘yun. Noong mga panahon na iyon ay roller skate wheels lang ang me­ron ako. Habang naglalaro–laro ako sa malawak pang parking lot sa lugar namin noon lagi siyang darating kasama ‘yung maganda’t seksing chick na kapatid niya na younger sa kanya tapos mahihinto na ako sa ginagawa ko ‘nun at tutunganga na lang sa mga pinaggagawa nilang tricks.

skateboarding-01Interesadong–interesado ako noon sa skateboard, ang kaso, hindi ko naman afford na magkaroon ng isa kasi P40 lang ang baon ko noon at mamamasahe pa ako papuntang school tapos uuwi ng tanghali para maligo at magpalit ng uniform na pang-T.H.E. Syempre kakain pa ako ng halagang P15, da­lawa ‘yung recess namin, ‘yung isa chichirya nalang nakakain ko, maaari namang panuorin ko na lang mga classmate ko habang kumakain tapos ako nagdi-daydream nalang.

Nung unang araw na iyon, syempre napagod din ako, tapos kwentuhan kami ng younger sister ng kapitbahay namin. Doon ko nala­man na nagbakasyon lang pala sila sa Pilipinas at sa Canada talaga sila ng mga magulang niya nakatira. Actually, sinusundo lang daw nila ‘yung kuya niya na sa grandpa­rents niya nakatira and they are staying for good na sa Canada. Syempre nalungkot ako, first day namin makapag-usap tapos aalis na rin pala sila.

Ang pinaka-kinalulungkot ko ay wala na akong mahihiram na skateboard hindi pa nga ako natututo ng maayos. So sa kabila ng alam kong aalis na sila at mga galos at sugat sa tuhod at siko nang first day na iyon ay niyaya ko ulit siyang maglaro the next week, hanggang sa naging araw-araw na.

Pinama

Mantakin mong nung aalis na sila, kinatok pa nila ako sa bahay namin tapos ibinigay sakin ‘yung paborito kong hiramin na skateboard at kahit na walang kasiguraduhang magkikita-kita pa kaming muli ay napakasaya ko noon.

After nun maya’t-mayang nakasakay na ako sa skateboard, maski nasa loob ng bahay kung ano-ano ang ginagawa ko. Ang dami ko na ngang nabasag na vase at nasi­rang appliances namin dahil sa nababagsakan ko lagi. Hanggang sa grumaduate ako ng high school at mag-college na ako, ma­dami na rin akong mga napuntahang covered court na may mga nag-skateboard at nagsi-set up sila ng mga obstacles sa umaga at syempre ang pinaka-nawili akong puntahan ay sa tapat ng Natio­nal University (NU) na dati ay laging walang tao at sa ilalim ng tulay sa Sta. Mesa, Maynila papuntang Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Mapanganib

Wiling–wili ako nun sa pag-i-skate hanggang sa maaksidente kami ng tatlong itlog na mga kaibi­gan ko.

Mahal na araw noon at bihira ang dumadaang sasakyan sa pababang tulay na papuntang Sta. Mesa, may mga nakasabayan kaming mga nag-i-skate din. ‘Yung mga loko-loko humihiga sa gitna ng pababang kalsada ng tulay at kapag may dadaang sasakyan ay nagmamadaling magsisakay sa kanilang mga board para hindi masagasaan. E dahil sa pababa nga hindi agad kita ‘yung mga padating na sasakyan, nung turn na ni Angelo nasa gitna pa talaga siya ng kalsada nakahiga, biglang may dumating na 16-wheeler truck, nag-froze ngayon siya hindi siya nakatayo, hindi rin siya nakita nung driver…….

Guess what?! ang bait pa rin talaga ng Diyos, nung mga nasa five seconds na lang siguro ‘yun, parang napaka-slow motion ng lahat, nagdarasal talaga kami kasi hindi rin namin kayang mapahinto ‘yung truck dahil nasa bandang taas kami ng tulay, hindi kami Makita at marinig. Mabuti na lamang at nasa mismong gitna si Angelo, as in gitna na parang iniusog siya ni Lord para hindi magkalasog-lasog sa truck. Syem­­pre sob­rang nadala kami that moment, parang humiwalay ‘yung kaluluwa naming la­­hat dahil sa takot.

Exciting

skateboarding-03Pero kahit na hindi kami naabutan ng mga pulis nalaman pa rin syempre sa amin ang nangyari. Na-injured ang tuhod ko at mahigit isang buwan din akong nagkakandirit para makatayo. Lesson?! Mahalaga ang maging safe sa paglalaro ng skateboard. Safety first!

Nasa kategor­ya ng extreme sports ang skateboarding, it’s easy to lose your balance, so huwag nang gumawa pa ng mas mga delikadong bagay katulad na lang halimbawa ng paghiga sa gitna ng kalsada ng pababang tulay at kung anu-ano pa. Extreme na nga, gusto pa mas extreme?

Kahit ‘yung mga professional skaters ay may chance na ma-end up sa mga emergency rooms, marami na rin ang mga namamatay na skaters lalo na sa ibang bansa dahil sa mga head at iba pang injuries at karamihan ay disgrasya sa kalsada.

Pinaka-mainam sana ay magkaroon ng marami pang mga lugar para sa mga skaters para hindi kung saan-saan na lang silang kalsada nagsasagawa ng kung anu-anong tricks. Noong nakaraang taon nga lang July din, 2015 may mga grupo ng skaters sa Quezon City ang nagsagawa ng parade para hilingin na magkaroon sila ng pwes­tong mapaglalaruan sa Quezon Memorial Circle.

Hiling na skatepark

Sa ngayon ay mayroon na rin namang mga park sa Kalakhang Maynila na pinapayagan ang mga skaters na maglaro. Pero isa pa lamang ang pormal na skatepark sa buong bansa, ito ay matatagpuan sa Zulueta Street corner Quirino Avenue sa Manila. Free entrance naman ito, pero dahil sa may kalayuan sa mga mangga­galing pa sa north side ng Metro Manila ay nagtitiyaga pa rin ang iba sa mga covered court ng iba’t-ibang barangay doon.

Hindi matatawaran ang kasiyahan, mga kakaibang karanasan at mga nakasama kong mga matatalik na kaibigan dahil sa pagkahilig ko sa skateboarding. Sila at ang excitement na naidulot nito ang hindi mapapantayan ng kahit ano pang injuries.