Hindi sumuko ang Marinerong Pilipino hanggang sa dulo, upang mahagip ang pahirapang 83-82 win kontra Wangs Basketball at manatili sa karera para sa 2017 PBA D-League Foundation Cup playoffs kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naghahabol ng 13 points, 80-67 sa nalala­bing 4:46 sa laro, nag-isip si Mark Isip ng opensa para sa Skippers at pina­ngunahan ang 16-2 run.

Tinapos ng veteran forward ang paghahabol nang mahagilap si Julian Sargent, na nagawang maipasa ang bola kay John Lopez para sa go-ahead bucket, 27.6 ticks sa orasan.

Kasunod nito, na-block ni Sargent ang dapat sana’y game-winner ni John Gabriel at ihatag sa Skippers ang panalo.

“Clearly, it was the grace of God. It was our faith that gave us the positive attitude na kahit down by 13 kami in the last four minutes, we didn’t waive and kept on believing that God will help us,” lahad ni coach Koy Banal.

Si Isip ay may confe­rence-high 29 points, kasama ang nine rebounds at three steals.

Nakihati si Lopez ng 12 points, eight rebounds at three assists, habang si JR Alabanza ay may nine points at five boards at si Sargent nama’y nag-ambag ng 8 points, 9 boards, 4 assists at 4 blocks para sa Marinerong Pilipino.

Ito ang ikatlong su­nod na panalo ng Skippers, para sa 4-4 card.

Maaaring umabante ang Marinerong Pilipino sa quarterfinals kung masu-sweep ang nalala­bing laro kontra Gamboa Coffee Mix at AMA Online Education.

Laglag naman ang Wangs Basketball sa 5-5. Wagi naman ang Bantangas nang dispatsahin ang Racal Motors, 95-90.