Sky Cable ng ABS-CBN kinuwestiyon

Kinuwestiyon ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang patuloy na operasyon ng sister company ng ABS-CBN na Sky Cable sa gitna nang napasong prangkisa ng network giant .

Sa joint inquiry ng House committee on legislative franchises atf good government and public accountability, kinalampag ni Marcoleta ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil pinapayagan pa ang mga television shows ng Kapamilya network na lumabas sa era sa pamamagitan ng Sky Cable, gayong expired na ang 25-year franchise na ibinigayu sa Lopez-owned cable noong Marso. (JC Cahinhinan)