SM binulaga ng Friday the 13th protests

contractualization

Kinalampag ng wo­men’s group ang iba’t ibang sangay ng Shoe Mart (SM) para iprotesta ang ‘di umano’y tala­mak na ‘anti-labor job contracting scheme’ na lu­malatay diumano sa mahigit 50,000 bilang ng mga empleyado nito.

Sa SM City North EDSA, tinuligsa ng Ki­lusan ng Manggaga­wang Kababaihan (KMK) at grupong Gabriela ang pagiging ‘contractual king’ diumano ng business tycoon na si Henry Sy.

Inilarga din ng grupo ng mga kababaihan ang protesta sa mga sangay ng SM sa Clark, Pampanga; Calamba, Laguna; Bacolod; Iloilo; Bicutan; Tunasan, Muntinlupa; at Manila.

Hirit ng mga natu­rang grupo na gawing regular ng SM ang lahat ng contractual employees nito.

“Sa sobrang daming yaman na kinamal ng pamilyang Sy at ng kanyang stockholders, panahon na para ibalik nila ang napakalaking tubo na nilikha ng mga sales ladies, baggers, utility, at iba pang trabahador. Wakasan na ang walang katapusang hiring-firing, ang magastos na application process na pinipiga sa bulsa din ng manggagawa,” giit ni KMK spokesperson Avic Gerodias.

Hinamon naman ni Gabriela Secretary General Joms Salvador si Pa­ngulong Rodrigo Duterte at ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gamitin ang kanilang regulatory powers para maaksyunan ang pagsasamantala ng SM sa mga manggagawa.