Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — SMB vs. Phoenix
7:00 p.m. — Ginebra vs. GlobalPort
Sa bisa ng 1-2 finish pagkatapos ng 11-game eliminations, isang panalo lang sa quarterfinals ang kailangan ng Ginebra at San Miguel Beer para agad nang umusad sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.
Toka ng Beermen ang Phoenix sa first game mamaya sa Smart Araneta Coliseum, sunod ang enkuwentro ng Gin Kings at GlobalPort sa nightcap.
Pero todo-handa pa rin ang higher-ranked teams.
Tinalo ng Gins ang Batang Pier 113-96 noong April 4, ang nagsindi sa 5-0 start ng Kings sa torneo.
May bago ng import ang GlobalPort kay Justin Harper, maganda rin ang trade acquisitions nilang sina Sean Anthony, Bradwyn Guinto at Jonathan Grey, bukod sa backcourt duo nina Terrence Romeo at Stanley Pringle.
Nito lang Linggo, tinakasan ng Batang Pier ang Alaska 107-106 sa knockout game for eighth.
“Harper’s ability to shoot and spread the floor for Pringle and Romeo causes problems for defenses,” puna ni Ginebra coach Tim Cone. “No doubt, we’re in for a battle.”
Tinalo din ng No. 2 SMB ang No. 7 Phoenix 110-88 noong April 7, pero iba na ang senaryo ngayon.
“Matagal nang tapos ang game na ‘yun and I’m sure they’ve learned their lessons from that,” lahad ni Leo Austria ng SMB. “Playoffs na ito and what we should do is keep our focus, execute and play well on both ends of the court.”