SMB, TNT ang gusto! Meralco inayawan

SMB, TNT ang gusto! Meralco inayawan

Wala nang maipapadalang koponan ang Pilipinas sa 28th Fiba Asia Champions Cup 2019 sa Bangkok, Thailand sa darating na Setyembre 24-29.

Ito’y tapos bakuran ng tournament organizer ang pagsali ng Meralco Bolts, nais sanang 44th PBA Commissioner’s Cup champion San Miguel Beermen o ang runner-up TNT KaTropa ang isalang sa nasabing torneo.

Kinumpirma ni Meralco Bolts coach Norman Black ang balita, papalitan ng Lebanese team na Al-Riyadh sa tournament ang kanyang team.

“Yes we were told we’re not going to Thailand,” ayon kay Black.

Handa na sana ang lineup ng Bolts para sa six-day basketball action kung saan paparada ang bagong sungkit na sina Raymond Almazan at rookie guard Trevis Jackson.

Sunod pa rito ay kinuha rin ang naglalaro ngayon sa Fiba World Cup na si Renaldo Balkman, ipapareha sana sa kanilang resident import na si Allen Durham.

Dati nang sumalang ang Meralco sa Fiba Asia Champions Cup, nakaabot sa semis ngunit pinadapa ng Petrochimi Bandar Imam ng Iran at tumapos lang sa ikaapat na puwesto nang gapiin ng Seoul SK Knights sa bronze match. (RMP)