SMC, AFP tapos na ang 10 quarantine facility

Nakumpleto na ang pinapagawa ng San Miguel Corporation (SMC) na 10 emergency quarantine facility sa mga military camp katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para mabawasan ang pagsisikip ng mga ospital sa mga COVID-19 patient.

Ang mga quarantine facility na mayroong 15 higaan bawat isa o pinagsamang bed capacity na 150 ay makatutulong para mabawasan ang mga pasyenteng nasa mga health facility sa ibang lugar.

“We thank the Armed Forces of the Philippines for allowing us to build these isolation areas beside their military hospitals. This collaboration will help the government save more lives, including the lives of our military personnel who are one of our front liners during this pandemic,” SMC president at COO Ramon S. Ang.

Kabilang sa mga quarantine facility na ito ang mga sumusunod:

*WESTMINCOM Hospital sa Zamboanga (Abril 22 natapos);

*NOLCOM Hospital sa Tarlac (Abril 23);

*EASTMINCOM Hospital sa Davao City (Abril 23);

*SOLCOM Hospital sa Lucena City (Abril 24);

*PHILFLEET sa Cavite City (Abril 28);

*Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City (Abril 29);

*CENTCOM Hospital sa Cebu City (Mayo 1);

*Joint Task Force-NCR sa Camp Aguinaldo (Mayo 1);

*CJVAB Hospital sa Pasay City (Mayo 6); at

*WESCOM Hospital sa Palawan (Mayo 6).

Ayon kay Ang, mahalagang naihanda ang mga nabanggit na pasilidad kapag tumaas ang bilang ng mga person under investigation.

Naghahanap pa rin aniya ang SMC ng mga pagtatayuan pa ng quarantine facility sa ibang lugar.

“Our hospitals cannot afford to exceed their capacity as many patients, including those who are treated for other illnesses, will be needing these health facilities. These isolation areas will also help ensure that the transmission of the disease can be better controlled and lessen the risk on other patients who are vulnerable,” sabi ni Ang.

Nauna rito ay nag-turn over ang SMC ng limang set ng mga testing maching at test kit sa Department of Health (DOH) para ideliber sa iba’t ibang government center. Ang mga donasyong RT-PCR machine at high-throughput automated RNA extraction system ay kayang magsagawa ng 11,000 test kada araw.

Nag-donate din ang SMC ng mga testing kit na katumbas ng karagdagang 20,000 test.

Pinamahagi ng DOH ang dalawang set ng equipment sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) habang ang iba pa ay ipinadala sa San Lazaro Hospital, Vicente Sotto Medical Center sa Cebu, at Southern Philippines Medical Center sa Davao.

Nag-donate din ang kompanya ng mahigit 54,000 set ng mga personal protective equipment (PPE) sa higit 100 ospital sa iba’t ibang panig ng bansa gayundin sa Office of Civil Defense.

Nagbigay din din ang SMC ng karagdagang 10,000 PPE na gawa ng mga local garment manufacturer sa Philippine General Hospital.