SMC bibilhin ang inani ng mga magsasaka

Pinag-aaralan ngayon ng San Miguel Corporation (SMC) na palawakin pa ang pagbili nito ng mga raw material para sa kanilang mga produktong pagkain mula sa mga magsasaka sa buong bansa para matulungan ang mga ito na madagdagan ang kanilang kinikita at mapatatag ang food supply sa bansa habang nahaharap tayo sa COVID-19 crisis.

“We are looking for ways to be able to tap more farmers for rice production, corn, cassava, coconut oil, pork, chicken, among others,” ayon kay SMC president at COO Ramon S. Ang.

Sa pamamagitan aniya nito, masusuportahan ng SMC ang kabuhayan ng mga magsasaka at masisiguro rin ang patuloy na supply ng pagkain sa bansa.

Sinabi pa ni Ang na lilikha rin ito ng economic activity sa food value chain hindi lamang mula sa hanay ng mga magsasaka kundi gayundin sa mga supplier sa agrikultura, mga processing facility, shipping hanggang mga retailer.

“Through this, we hope to be able to support the livelihood of our farmers and secure our future supply of food,” sabi ni Ang.

Sa mga nakalipas na linggo ay pinalakas ng SMC ang pagbili ng kamoteng kahoy mula sa mahigit 17,000 magsasaka sa buong bansa sa pamamagitan ng kanilang 130 assembler.

Ang food unit ng SMC na San Miguel Foods Inc., isa sa mga pangunahing producer sa bansa ng sariwang karne, poultry, processed meat, harina, dairy products, palaman, at kape, ay nagpahayag na bibilhin nila ang produkto ng mga magsasaka sa tamang halaga para matiyak na kikita ang mga ito.

“We want to make sure that farmers will directly benefit. It’s not only people in Metro Manila who are in need of help but also, our kababayans in the provinces, including our farmers,” ayon kay Ang.

Sabi ni Ang, matagal nang malaking bahagi ng supply chain ng SMC ang mga magsasaka sa bansa dahil sa kanila kumukuha ang ang kompanya ng mga raw material para sa mga produkto ng SMC.

“They are even more important and critical now, especially given the tight competition for products in the global market,” diin ni Ang.

Nais aniyang hikayatin ng SMC ang mga magsasaka na magtanim at sinisiguro sa mga ito na mayroong nakahandang market para sa kanilang mga produkto.

“Right now, we have more than enough inventory for our present needs, up to over six months. But we will still buy their produce, so we can further ensure supply. This will also allow us to start preparing for the succeeding months,” ayon pa kay Ang.

Dagdag pa ni Ang na kailangan lamang ang mahigpit na pagpapatupad ng safety practices para sa proteksyon ng supply chain workforce habang patuloy na nilalabanan natin ang COVID-19 pandemic.

Simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon noong Mars, patuloy ang pagpapalakas ng food production ng SMC para masiguro ag sapat na supply ng pagkain sa mga pamilihan. Nagbibigay din ng mga donasyon ang SMC ng kanilang mga food product sa mga komunidad na labis na apektado ng COVID-19 crisis.

Mula sa halos P1 bilyong donasyon ng SMC para matgunan ang epekto ng COVID-19, nakapagbigay na ito ng P227 milyong halaga ng kanilang mga food product sa mga komunidad sa Metro Manila at ilan pang lalawigan sa Visayas at Mindanao.

“At this point, lives are more important than profits. Once all of this is done, we can always go back to business and start anew. Once a life is lost, you can never bring it back. It’s gone forever. We choose life over anything else,” pahayag pa ni Ang.