Pinababantayan ni San Miguel Corporation president Ramon S. Ang sa pamahalaan ang presyo ng mga COVID-19 testing kit dahil ang pagpapababa ng presyo nito ay magiging malaking tulong sa paglaban sa pandemic.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ang na may mga ulat na umaabot sa P4,000 ang binabayaran ng mga tao para sa COVID-19 test o higit pa.
“We have to be able to find a way to regulate the price for testing. These test kits are in short supply but right now, we are fortunate to have been able to get them at less than P1,500 each. We believe that this is a fair enough rate for medical facilities using donated equipment and PPEs to charge especially to small companies who would have to test their employees to be able to safely reopen their workplaces,” sabi ni Ang.
Nag-donate ang SMC ng swabbing booths at test kits sa 17 local government units (LGU) para sa free testing sa mga mahihirap. Ikakalat ang mga swabbing booths sa mga lugar kung saan ito pinakakailangan habang nakatuon pa ang pansin ng national government sa pag test ng mga umuuwi na overseas Filipino workers.
“This is the best way we can help our governments ramp up or expand their testing capacity—in particular for poorer barangays and communities,” sabi ni Ang.
Layunin ng SMC na makatulong sa mga mas mahihirap na barangay kung saan may outbreak dahil hirap silang sumunod sa social distancing dahil dikit dikit ang mga bahay sa kanilang lugar.
Magtatayo ang SMC ng sarili nitong testing laboratory para masuri ang 70,000 mga empleyado nito para mas mapabilis ang testing at dahan -dahan nang mapagulong muli ang ekonomiya.
Bukod sa donasyon ng mga test kit, dadagdagan din ng SMC ang donasyon nito ng high capacity testing machines para mas mapadami pa ang test na magagawa sa bansa sa loob ng isang araw.
“There are many people and sector in need of help today. We will make sure they are not overlooked or neglected,” sabi ni Ang. (Eileen Mencias)