Tiniyak ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief operating officer Ramon S. Ang sa publiko na may sapat na suplay sa pagkain para sa mga Filipino kahit na tumagal pa ang banta ng COVID-19 .
Ang pahayag ay ginawa ni Ang para payapain ang publiko at huwag mag-panic buying dahil sa COVID-19 pandemic.
“As far as food supply is concerned, we have the capability to produce enough for everybody and deliver to supermarkets,” aton kay Ang.
Kasabay nito,sinabi ni Ang na tinatrabaho na ng kumpanya ang pamamahagi ng food donations sa mahihirap na komunidad kung saan pinakatinamaan ng pandemic.
Magkakaloob rin ng supply ng pagkain ang SMC sa mga public hospitals at piling goverment agency.
Ang importante ay magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino at magtulungan sa harap ng dinaranas na trahedya.
“Panic has no purpose at this time. Follow the directives of our government; cooperate in every way. This is the best way we can all help in fighting the Covid-19 virus, while the quarantine is in effect”dagdag pa ni Ang. (Juliet de Loza-Cudia)