Wala nang balakid sa pagpapatupad ng nationwide smoking ban.
Ito ang binanggit ni Health Secretary Paulyn Ubial kung saan epektibo sa Hulyo 22 ang tuluyang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Nakasaad sa executive order ni Pangulong Rordigo Duterte na pinakilos ang lahat ng local government units (LGUs) na iimplementa ang smoking ban.
Sinabi naman ni DOH spokesman Eric Tayag na nasabing EO ay epektibo sa Hulyo 23.
“We know that there might be some LGUs that will not comply with this. We are working doubly hard for the DILG (Department of the Interior and Local Government) and LGUs to eventually put this in full force,” sabi ni Ubial.
Mahaharap ang lalabag sa nasabing EO sa multang P500 hanggang P10,000 at pagkakulong.