Taliwas sa pinangangambahan ng marami, hindi isinakripisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang soberenya ng Pilipinas matapos itong tumanggi sa joint exploration kasama ang China sa West Philippine Sea.
Dahil dito, pinalakpakan ng Legitimate Opposition sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Duterte na labis na natuwa dahil dumistansya ang Pangulo sa joint exploration agreement sa exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.
“The President’s refusal to forge a joint exploration deal was the closest to any invocation of the United Nation arbitrary decision recognizing Philippine sovereignty in most of the disputed islands and waters in the West Philippine Sea,” ani Albay Rep. Edcel Lagman.
Magugunita na bago ang state visit ni Duterte, may ilang legal expert ang nababahala na posibleng labagin ng Pangulo ang Saligang Batas kapag pumayag ito sa joint exploration sa teritoryo ng Pilipinas.
Dahil sa pangambang ito, lumutang ang bantang impeachment dahil lalabagin ng Pangulo ang isa sa elemento ng impeachment case partikular na ang “Culpable violation of the Constitution”.
Gayunpaman, sa biyahe ni Duterte sa China, sinabi nito na wala siyang awtoridad na pumasok sa ganitong kasunduan na walang awtorisasyon ang Kongreso ng Pilipinas.
para kang tanga, may utak din yan oi, alam niyan kung saan lulugar.ano ka ba
AYAW BA NIYA NOON, SISIKAT SIYA LALO NA SIYA ANG KAUNAUNAHANG PRESIDENTE NA NA-IMPEACHED.