Social distancing: MRT, PNR, LRT bawas pasahero

Mahigpit na ipatutupad sa lahat ng mga pampublikong sasak­yan sa Metro Manila ang social distancing para makaiwas sa pagkalat ng kinatatakutang coronavirus disease 2019 (COVID 19).

Ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) ang social distancing guidelines matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy pa rin ang biyahe ng mga tren ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR) kahit isang buwan na isasailalim sa community quarantine ang Metro Manila.

“We have to ensure that these transport vehicles will not be so congested to have the disease spread or the transmission would be there,” ayon naman kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya pa, kabilang sa mga hakbang na ipi­natupad para sa social distancing ay ang suspensyon ng klase at trabaho para lumuwag ang public transport system.

Kaugnay nito, hini­mok ng opisyal ang publiko na maging alerto subalit kalmado dahil hindi makatutulong kapag nag-panic ang mga tao. (Vick Aquino)