Nabanggit natin kailan lang na nagpirmahan ng isang memorandum of understanding (MOU) ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Department of Trade and Industry (DTI).
Sa ilalim ng MOU ay ang mga subject-matter experts ng DTI ang magpo-provide ng training sa mga overseas Filipino workers (OFWs)na nagbabalak magtayo ng maliit na negosyo.
Kasabay ng training ay kung papaano magpatakbo o magmanage ng negosyo gayundin ang skills-specific seminars sa line of business na gustong pasukin.
Dudumugin for sure
Ang programa ay tinawag ng OWWA at ng DTI na Enhanced Entrepreneurial Development Training o EEDT. Inaasahan natin na dudumugin ang training not for the training per se.
Why? Ang EEDT kasi ay requirement para sa mga gustong mag-avail ng loan facility mula P100,000 hanggang dalawang milyong piso mula sa OWWA thru Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.
Yes, ang loan facility na ‘yan ay walang iba kundi ang dalawang bilyong pisong OFW Reintegration Program, na ayon sa press releases ng OWWA ay naka-create ng 4,000 patrabaho.
New collar
Same dog new collar ika nga ang loan facility na naghihintay sa EEDT graduates, na hopefully ay magiging fully equipped ng mga kaalaman sa pagnenegosyo.
Maski naman sa naunang programa ay nagbigay rin ang OWWA ng training programs sa mga nag-aplay ng loans, pero ang pinagkaiba lang ngayon ay pumasok nga sa eksena ang DTI.
Oh well,let’s hope na mas maraming OFWs ang maka-avail ng nasabing loan facility at magtagumpay sa kanilang nais pasuking negosyo.
Nakulong, saved by Digong
Viral sa social media, specifically sa Facebook, ang video ng ilang babaeng OFWs na ikinulong raw ng kanilang employer sa Al Khobar at hindi pinapasweldo.
In a testament sa power ng social media, nagkausap na ang mga kinatawan ng ating pamahalaan at ang employer na nangakong ibibigay na ang sweldo ng mga OFW.
Ihahanap raw ng employer ng bagong trabaho ang mga dislocated OFW pero tumanggi na ang mga ito at ginusto na lang nila na makabalik ng Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng OWWA.
At tayo naman ay naniniwala na tama ang desisyon ng mga OFW na ito. Pero imagine, ganu’n lang kadali ang usapan sa repatriation samantalang parang todo hirap ito ma-implement noong mga nakaraang administrasyon. Well, change sabi nga — for the better.
Follow Me On Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir, tawag lang sa 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com.